November 22, 2006
Magandang Umaga Kaka Ali,
Kapayapaan at Magandang umaga po sa lahat ng taga pakinig ng DXUP-FM lalo na sa mga taga pakinig ng inyong napaka-imformative na programa-Kapayapaan.
Kaya po ako sumulat ay gusto kong mag-bigay ng ilang mga kuro-kuro sa mga napapansin ko na dapat nating pag-aralan at pag-usapan dahil sa aking pananaw ay may dapat baguhin sapagkat hindi naangkop sa mga kinauukulan nito. Ang gusto kong pansinin natin ay ang pag-grupo-grupo natin sa ating mga mamayan, na may grupong ganito, ganoon, maari bang hindi na tayo mag-grupo-grupo?
Halimbawa ng sinasabi ko:
•Minsan sa mga seminar-workshop, nag-grupo-grupo tayo ng isang grupo ay ang mataas ang pinag-aralan, ibang grupo naman ang may karanasan na at isa naman ang wala pang karanasan o experience. Sa totoo lang Kaka Ali, hindi naman ako totally against dito dahil tama naman dahil may magandang objectives.
• Sa tribal groupings- may grupo ang Ilocano, Ilonggo, Iranon, Maguindanaon, Meranaw, Teduray at iba pang tribu.
• Religion o pananampalataya-isang grupo ang Roman Catholic, Iglesia ni Cristo, Episcopal, Evangelical, Islam, Jehovah Witnesess, Seventh Day Adventist at iba pang religion. • Gender- iba ang babae at iba rin ang kalalakihan at kong minsan may pangatlo pa, “third generation” daw. • May MNLF at MILF • May pro-cha-cha at anti cha-cha • May pro-government at anti government • May pro Amerikano at Against sa Amerikano ETC.ETC.......
Ang lahat ng nabanggit ko ay hindi masama kong tama ang layunin at kong talagang nararapat at kinakailangan, para sa akin, sang-ayon ako dyan, ang mahalaga dito ang layunin kong bakit nag-grupo, ngunit kong minsan ay kalabisan na at mali-mali na dahil kahit ang terms natin na ginagamit ay hindi na naangkop, ang mga halimbawa?:
Sa ating bayan ng Upi, may grupo tayong tinatawag na Muslim, Teduray at Christian, ang katanungan ko dyan: “ano ang grouping na iyan? By Tribe ba? by religion ba? By nationality ba?”
Nalilito ako dyan, kong ano ba talaga ang gruping na iyan, at naitatanong ko-bakit?
Kasi ang term na Muslim, ayon na rin sa inyong programa:
Muslim- ay yaong nanamplataya sa Islam-tama po ba Kaka Ali? Mamaaring siya ay Teduray, Ilonggo, Meranaw, Iranon, Ilocano, dahil ang term na Muslim ay may religious inclination hindi ito nabibilang sa tribo. Ang ibig sabihin ng Muslim, ay nanamplataya- ang kanyang agama o religion ay Islam.
Christian- ay yaong nanampalataya sa agamang Christianismo. Siya ay maaring Ilonggo, Teduray, Iranon, Meranaw, Ilocano o iba pang tribo. Maaring iba pang nationality siya nabibilang, dahil ang pagka-Christiano ng isang tao ay dahil sa pananampalataya hindi dahil sa kanyang tribong kinabibilangan.
Ang term na Teduray ay tinutukoy ay ang tribung Teduray, katulad sa tribung Iranon, Maguindanaon, Meranaw, Manubo, Subanen, Ilonggo, Ilocano o iba pang tribu.
Ang tanong ko Kaka Ali, ano ba ang basehan ninyo o natin na hinati-hati natin ang ating mamayan na may grupo ng Muslim, Christian at Teduray? Tama ba ang terms na iyan?
Ang sunod kong tanong, Papaano kong ang aking kapatid na Teduray ay tinanggap ang agama (religion) na Islam, hindi ba nararapat na siya ay Muslim na rin? Katulad din siya sa pananamplataya sa Iranon na Muslim, Meranaw na Muslim, o Ilonggo na Muslim. Siya ba ay Muslim o Teduray na tatawagin? Di ba Muslim na rin siya? Di ba dapat tawagin na siyang Muslim na Teduray, katulad ng nauna nating binanggit?.
Ang Teduray na tinanggap ang Christianity, di ba nararapat na tawagin na siyang Christian? Tulad din siya sa Ilonggong Christiano, Iranon, Tagalog, Ilocano na Christiano? Di ba Teduray siyang Christiano?
Ang Katotohanan ay kong Agama (religion) o pananamplataya ang pag-uusapan sa Upi, may mga mamayan tayong nanampalataya sa Christianity sila iyong Christian, Islam at sila naman iyong MUslim at iba pang religion tulad ng Buddhists, at iba pang religion sa mundo. Kong tribu naman ang basehan, hindi na maitatuwa na nakakarami ang bilang ang mga kapatid na Teduray, Maguindanaon, Ilonggo, Ilocano, Iranon, Meranaw at marami pang ibang tribu dito sa Pilipinas na dito na tuluyan o pansamantalang naninirahan.
Ang mungkahi ko Kaka Ali, bakit, pag-aralan o silipin natin ang ginamit na term ng ating mga ninuno, sa pag-grupo nila sa mga mamayan na kanilang nasasakupan, halimbawa:
• Ang mga dati ng naninirahan sa isang lugar ay tinawag nila itong-“Talainged” (native inhabitants) at ang bagong dating ay tinawag naman nila ng “Rafu” (new comers, foreigners)
• Ang mga naninirahan banda sa dagat ay tinawag na –“imragat’n” (people along the shore), iyong banda naman sa bundok ay-“kapalawan’n” ( people in the mountain). Iyong banda sa pinagmulan ng ilog ay “Taw sa Raya” at “taw sa Ilod” (people in the river bank).
• Sa Saudi Arabia sa panahon ng Propeta Muhammad, ang mga naglipat mula sa Mecca papunta ng Madina ay tinawag na “Muhajir” (new comer) at “Ansari” taga Madina.
Sa ngayon mga panahon, maaring hindi ito maging problema, ngunit balang araw ay magiging problema, bakit? kasi ang term na Muslim ay may religion na aspeto, at ginagamit ito sa buong mundo at may maliwanag na kahulugan sa Qur’an, kaya hindi na natin ito pwedeng baguhin ang kahulugan, ganoon din sa terminong Christian.
Ako ay nanawagan sa Media, Academe, sa official ng goberno at sa lahat ng kinauukulan na minsan din natin itong suriin at pag-aralan para maiwasan ang pagkalito at di pagkakaunawaan sa mga darating na araw.
Lubos na gumagalang, ang iyong kapatid na masugid na tagapakinig.
zamin (original letter: handwritten in yellow paper by Zamin- binasa ni Kaka Ali sa kanyang programang "kapayapaan" November 27, 2006-5:30-6:30 ng umaga-sa himpilang DXZUP-FM 105.5 MHz)
| |