Kaka Alih-January 6, 2009
Nuro, Upi.....Mula ng maitatag ang naturang himpilan ng radyo sa Upi na DXUP FM ay marami na ang mga bagay-bagay na nawawala ang ipinapanawagan at inihahatid na natagpuan kong saan-saan.
Panawagan, December 28, 2008
"Kong sino po ang nakapulot o nakakita ng cellpon Nokia 7260 kulay itim sa likod at pula sa harap ang casing, maaring naiwan sa Farmacia Belinda, kanina 3:40 PM-December 28, 2008. Ako ay magbibigay ng pabuya sa makakapagsauli. Pakisauli sa DXUP FM o sa Phoenix Gasoline Station. Panawagan mula kay Tony Omar ng Barangay Biarong, South Upi"
January 1, 2008
Naireport ng Manager ng Phoenix gas station na may nagsauli ng celpon na N 7260, ayaw magpakilala sa radyo ang naghatid.
December 31, 2008 may nagtext sa program manager na kaibigan, Melanie CedeƱo, na siya ay nawalan ng clutch bag, nag lalaman ng mgamahahalagang papeles at documento, tinatayang nahulog sa may national highway patungong Cotabato City.
Bandang tanghali ay inihatid ni Henry Rosel sa DXUP FM ang naturang bag. Ayon sa kanya ay habang binabaybay ang kahabaan ng national highway patungong Awang ay kanyang namataan sa may bandang Mirab ang bag.
Ang mga ganitong bagay ay halos araw-araw na nangyayari at ipinapanawagan sa himpilang ng radyo.
Noong November 4, 2008 ay inihatid sa DXUP FM ni Danny Kapusan, driver ng "skylab" (motorcycle) ang natagpuang backpack bag.
Narito ang ilan sa mga naisulat natin:
- January 26, 2008- Pitaka at Celpon na Nokia 3315, inihatid sa DXUP FM
- Enero 26, 2008-ISINAULI ng isang trisikad driver ang maliit na bag/wallet sa DXUP FM 105.5 MHz. Ang bag/waalet ay kulay abo (gray) na naglalaman ng cash na P50 at mga personal na gamit.
- Enero 19, 2008- Ibinigay ni Palot Diocolano ang napulot na pitaka sa DXUP FM. Ang pitak na naglalaman ng mahahalagang papeles kasama na ang driver license ..
- Enero 9, 2008- Plastic bag na may bigas ininihatid sa DXUP FM.
- January 5, 2008- inihatid Yashim Gayao ang cellphone na N6070 sa DXUP FM.
- December 26, 2007- dalawang cartoon ng cream bread na naiwan-inihatid ni Dra. Rosario Edwards
- Nobyembre 26, 2007- inihatid Ibs Alimudin ang pitaka na natagpuan ng kanyang mga anak. Ang pitaka na naglalaman ng mga papeles, ID ay pera ay nakita sa may tulay sa Upi Agricultural School (UAS), Nuro, Upi, kahapon November 25, 2007.
- Nobyembre 1, 2007-Susi natagpuan ni Esmael andong Inihatid sa DXUP FM.
- Oktubre 24, 2007 -celphone na Nokia 1100, na natagpuan ng mga LGU Upi sweepers , sina: Cristina Momalaga, Pacita Rufino at Sharon Dodoy.
- Oktubre 3, 2007- Inihatid ni Jonathan Espiritu ang pitakang natagpuan
- September 22, 2007- Bag na may celpon na 3310, pitaka, mga personal na gamit inihatid , ng isang helper ng sasakyan na si Balong Cudal.
- September 21, 2007- Mrs Lilia Pasaporte, 60 ay inihatid sa himpilan ang pares na sapatos na leather
- September 20, 2007- Pitaka na may pera nawala at napulot ng dalawang mag-aaral ng Upi Agricultural School [UAS-PTIA] isinauli sa himpilang DXUP FM, nina Cherry Labain at Abegail Lorenzana ang pitaka na pag-aari ni Mr. Roberto Platon.
- August 23, 2007- Dahil sa panawagan sa community radio DXUP FM ay agad nabalik ang mga nawalang bandana ng guro ng Notre Dame of Upi na si Mr. Ronibito Villiamero.
- Agoust 20, 2007- Inihatid ni Joel Bansil taga Barangay Kiga, Upi, Shariff Kabunsuan, sa himpilan ng DXUP FM ang cellpon na Nokia 1100 dahilInihatid ni Joel Bansil taga Barangay Kiga, Upi, Shariff Kabunsuan.
- August 11, 2007 inihatid ni Dolly Layson ang kanyang natagpuan na bag na naglalalaman ng ibat-ibang papeles na pag-aari ni Imelda Guilermo, nanatagpuan sa ukay0ukay section ng Public market.
- July 22, 2007- Isinauli ni Milagros Castillon ang celpon ni Richard Abad, driver ng DXUP FM na nahulog.
- July 21, 2007- Napulot na kalahating sakong bigas isinauli ng driver ng Skylab [ motorcycle] na si Sol Mating, na taga Barangay Mirab, Shariff Kabunsuan.
- July 15, 2007- Paulina's ng isang mamayan ng Upi ang napulot na celpon at isang wallet na naglalaman ng mahigit 6 thousand na cash sa DXUP FM Inihatid ng mag-asawang Mr Jun Pasaporte at Mrs Keth Pasaporte.
- June 23, 2007- Napulot na bag ni Joel Dadivas naglalaman ng mahahalagang papeles isinauli sa DXUP FM.