DXUP FM Balita-Kaka Alih -August 20, 2008-MiyerkulesNuro, Upi. Shariff Kabunsuan........Maraming epektong naudulot na kasiran ang malakas na kidlat at kulog kahapon tanghali habang kasagssagang ipinagdiriwang ng Upi Agricultural School ang 89th na taong pagkakatag nito. Sa DXUP FM ay nasira ang dalawang computer, console mixer, power supply ng transmiiter, TV set at router set.
Naapektuhan din ang sa kalapit na opisina. Sa Upi PNPoffice ay TV at signal ng kanilang Smart Bro ay naapektuhan. San opisina ng BJMP ay TVE set ang nasira.
Ayon sa mga saksi ay parang international bomb ang narinig nilang pumutok sa likod ng building ng DXUP FM, na sanhi upang umalerto ang mga PNP personnel.
Hanggang sa kasalukuyan ay inaayos pa ang nasirang mga gadgets ng nasabing himpilan. Ayon sa station manager Mario G. Debolgado ay pagsisiskapan ng mga technician na makasahimpapawid ngayong araw na ito.
Mamayang 4:00-4:30 ng hapon ang programang “Pareng Mon” na anchor ni Mayor Ramon A. Piang Sr. na simulcast broadcast sa DXMS sa Cotabato City.