(Kaka Alih- August 5, 2008-Lunes)
Nuro, Upi ... Pinaliwang ni Alkalde ng Upi - Ramon A. Piang Sr. sa DXUP FM kaninang umaga, ang bilang ng pasahero na pwedeng sumakay sa "skylab" (single motorcycle) na namamasahero sa bayan ng Upi. Ayon pa kay Mayor Piang, hanggang apat lamang, kasama na dito ang driver ng motor.Ang Municipal Ordinance Number 003, series of 2008 o "
AN ORDINANCE AMENDING SECTION VI FARE MATRIX", na naipasa ng Sanggunian Bayan noong July 16, 2008 at agad na naaprubahan ng Mayor ay nakasaad dito sa Section VII- article 6.
"No “SKYLAB” shall be allowed to carry more than three (3) passenger or goods equivalent to three (3) passengers. .." Sa mga nasabi ring ordinansa ay itinakda ang mga bagong pasahe na hiniling ng mga operators at driver.
Sa dating ordinansa ay nililimitahan ng tatlong pasahero, kasama na dito ang driver ang pwedeng isakay ng "skylab" na mamasahero sa Upi.