
(Balita ni Kaka Alih-Agosto 1, 2008-Huwebes)
Nuro, Upi…Pinatutupad ng Upi PNP ang COMELEC RESOLUTION No. 8460 (gun ban) kaugnay ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) election August 11, 2008.
Ang pinapayagan na magdala ng mga armas ay ang PNP, AFP at may mga lisinsiyadong baril at nakakuha ng gun exemption mula sa Commmision on Election (COMELEC).
Ayon kay Police Inspector Mark Kim Aquino-Upi Chief of Police ay sabay nilang pinatutupad ang policy na: “NO PLATE NO TRAVEL”, “No Overloading”, at “No Driving of Minors”, na nakabatay sa Upi Municipal Ordinance # 6-series of 2002.
Naglagay ng mga ckeck-point ang Upi PNP sa mga stratehikong lugar, sa national highway at mga lansangan na papasok sa Nuro.
Nitong hapon ay nasa national highway ang team ni P02 Amil Kanda, kasama sina P02 Edzel Solomon G. Garpa, P01 Jose Julie M. Almirante at P01 Ian S. Moncera.