(Kaka Alih Nobyembre 19, 2007)
Ang kaunlaran ng isang bansa ay nakasalalay sa kanyang ekonomiya, kong mahina ang kanyang economiyia mahina rin pag-unlad nito.
Ano ang ibig sabihin ng ekonomiya?
Ayon sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya: Ang ekonomiya ay isang kalipunan ng mga gawain ng tao, pamayanan at institusyon na may kaugnayan sa paglilikha, pamamahagi, palitan, at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo.
Sa ekonomiya ng bansa ng Pilipinas ay nakaugnay sa buwis o taxes ng mga mamayan, sapagkat ang tax na ito ang nagpapagalaw sa lahat ng project ng bansa.
Bakit taxes?
Dahil ang bansa natin, ang Pilipinas ay di katulad ng ibang bansa na may sariling negosyo, oo, noon mayron tayong sariling corporation ngunit dahil ito ay nalulugi, dahil sa hindi maganda pamamalakad o management ay minarapat ng goberno natin na ipagbili sa pribadong sector, kaya sa ngayon ay umaasa ang Pilipinas sa buwis na ibinabayad ng mamayang Pilipino. Ang ibig sabihin, kong walang buwis na ibinayad ng mga mamayan, Pilipino man o banyaga ay dapat bayaran ang buwis na dapat niyang bayaran, dahil kong hindi sila magbabayad ay malulugmok, o magiging lumpo ang Pilipinas.
Sa ngayon ba ay nagbabayad ang mga Pilipino ng kani-kanilang mga buwis sa goberno?
Ang sagot ay Opo, yes. Ngunit ang sabi ng iba mali ka Kaka Alih, dahil ang akin ay NO, hindi.
Bakit yes or no?
Ang mga mamayan ay nagbabayad ng kanilang mga dapat bayarin lalo na yoang mga ordinaryong mamayan, ngunit kadalasan ay nasa malalaking negosyante o may mga malalaking babayaran na buwis ang may problema, bakit? Dahil dito madalas nagsisimula ang “corruption”. Dito madalas may lagayan o yaong under the table na transaction.
Halimbawa, isang milyonaryo, syempre kong milyonaryo kong di man milyon ang babayaran na buwis sa kanyang negosyo o ari-arian ay maaring daang libo. Dito na magagamit yaong sinasabi natin na corruption, una ipa-assess muna ang kanyang ari-arian, para batayan sa kanyang babayaran, dito ay hindi na niya sasabihin ang tama, mas mababa halaga ang idedeklara para maliit ang mababayaran, syempre hindi papayag ang empleyado, at maaring aalukin ng mamayan ang empleyado, sasabihin na “bibigyan kita ng ganito (syempre libo, paliitin mo lang ang halga ng ari-arian ko” at dahil maliit din ang suweldo ng emplyedo, at kumpare o kumara pa, kong minsan best friend pa, maibubulong sa sarili na: “pera na maging bato pa, at pangalawa kokorakutin din ito ng nasa taas”. Kaya ang resulta imbes na isang libo , naging sampung libo na lang ang mababayaran. Ganoon kadali ang corruption sa ating bansa.
Papaano natin ito, maiiwasan o magagamot ang ganitong sakit ng ating lipunan?
Sabi noong isang bisitang banyaga, f(oreigner): “bawasan ninyo ang corruption sa inyong bansa”
Ano ba ang ibig sabihin ng corruption?
Ayon sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya:
“Corruption is a general concept describing any organized, interdependent system in which part of the system is either not performing duties it was originally intended to, or performing them in an improper way, to the detriment of the system's original purpose”. Ano mang pagnanakaw ay mabibilang sa kuratsyon
Sa sinulat ni Ma. Shiela H. Garcia na may pamagat na “Kurapsyon sa Pilipinas” na mababasa sa kanyang blog na http://bpspolitics.wordpress.com
Ayon kay Garcia:
“Noong unang panahon pa lang ay may kurapsyon nang lumalaganap saan mang bahagi ng mundo. Kaya hindi nakapagtataka na kabilang rin ang bansang Pilipinas.”
Tama ngunit hindi ganito kalala ang sabi ng isang Pastor sa isang pag-uusap naming sa isang sasakyan.
Naitanong din Ms Garcia:
“bakit nga ba may kurapsyon sa Pilipinas?”
At kanyang sinagot ang kanyang katanungan:
“Ang estado ng Pilipinas ay nananatiling mahina at ang patuloy na paggamit ng mga elitista ng kanilang kapangyarihan ang nagpapahirap sa pamahalaan sa magkaroon ng magandang pamumuno sa ating bansa. Ang mga nasa matataas na katungkulan sa pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng mga stratehiya upang makapagnakaw sa “Kaban ng Bayan”.
Ngunit may commentaryo tayo na marami rin sa kanila ang gumagaa ng stratehiyana papaano lalaki ang collection sa buwis, dahil tayong mga Pilipino ay likas na rin atin ang may takot sa Diyos, hindi magnanakaw.
Sundan pa natin ang paliwanag ni Ms Garcia tungkol sa corruption:
“Ito ang dahilan kung ba’t di-mawala wala ang kurapsyon sa Pilipinas. Paano nga ba mawawala kung ang mismong mga namummuno sa bansa at ang siyang may mga matataas na katungkulan ang siyang nangunguna sa paggawa ng hindi maganda. Kadalasan pa nga ay nakikita lamang natin sila pag malapit na ang eleksyon at humihingi pa ng suporta sa mga taumbayan. Pero hindi ba’t ang karamihan sa kanila ay pera ng pamahalaan ang ginagamit para sa pangangampanya?”
Mayroon din na ang gamit sa pangangampanya ay mula sa kanyang pinaghirapan, mula sa kanyang naipon sa negosyo, mula sa pamana ng kanyang mga magulang, kong magnakaw man ng kaban ng bayan, sa may bandang huli na.
Toloy natin ang sulat ni Garcia:
“ Sa makatuwid ang kurapsyon sa ating bansa ay dahil na rin sa mga namumuno at sa mga taong may mga kapangyarihan. Ang isa pa sa mga sinasabing dahilan ng lumalalang kurapsyon sa ating bansa ay ang di- pagkakapantay ng mga mayayaman at mga mahihirap. Ito ay tumutukoy sa mga kapitalista na patuloy na ibinababa ang sweldo ng mga manggawang Pilipino na lalung nagpapatindi sa problemang kinakaharap ng ating bansa. Kung magbibigay lamang ng daan ang mga kapitalista tungo sa mas maunlad na ekonomiya ng bansa, mababawasan rin kahit paano ang kurapsyon sa ating bansa.”
Ngunit marami pa rin sa mga Pilipino ang nagsisikap na mawala ang corruption at makabangon tayo mula sa pagkalugmok ng ating ekonomiya, halimbawa nandiyan Ang NAMFREL (National Citizens Movement for Free Elections), binuo upang maging bantay ng bayan sa election, at dito sa atin may mga organization taga-bantay din ng bayan. Marami na ang mga samahang may layunin na magkaroon ng reporma sa bansa at masolusyonan ang kurapsyon sa bansa. Maliwanag lamang na ang mga Pilipino ay may adhikain o sabi pa ni Ms Garcia “mulat” na sa lumalalang problema ng bansa at naghahanap ng solusyon para dito.
Ako ay umaasa na malalagpasan natin ang ganitong problema sa bansa, kailangan lamang ang paniniwala na kaya natin ito.
Sabi ni Garcia:
“Kahit sino naman sa atin ay maaaring umasa na matapos na ang problemang ito sa ating bansa ngunit dapat talagang magsimula ang mga pagbabago sa mga namumuno sa bansa. Ang dapat gawin ng mga namumunong ito ay alamin ang pinag- ugatan ng tradisyon ng kurapsyon sa bansa at makaisip ng paraan para mapigilan ito dahil kung hindi, malamang ay hindi na nga umunlad ang ating bansa.”
Tama kayo maam Garcia, dapat simulan ng mga pinuno ng bansa, sila ang maging ehemplo .
Pagkatapos na nasimulan na ng mga leader natin ang maging huwaran o modelo, tayong namang mga mamayan ay dapat matuto na ring sumunod sa batas, sa mga tungkulin, at kong sakaling man mali ang tinatahak na landas ng mga pinuno natin ay ating ituro sa kanila ang tamang landas, huwag nating silang pabayaang mahulog sa bangin, dapat sama –sama tayo, na hindi mahulog sa kumunoy ng kumukulong apoy sa impiyerno ang mga lider.
Para sa mga magulang, ang ating kabataan ay hubugin ang kanilang isipan at itanim sa kanilang mga puso ang isang makabayan, pagmamahal sa ating bansa at higit sa lahat paniniwala sa Poong Lumikha.
(ang artikulong ito ang tinalakay sa programang: "Bantay Bayan, Boses ng Sambayan, sa Segment na "Bantay Kaunlaran"- November 19, 2007[Lunes-7:00-8:00 am-Anchor ni Miss Lenyrose Bajar-Co Anchor ni Kaka Alih at siya ang Segment producer)