Kultura, Kaugalian at Paniniwala ng mga Bangsamoro Muslim (May 18, 2012-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –Nenita Minted) NENITA: Biyernes ngayon at tuwing araw ng Biyernes ay ang theme natin ay tungkol sa mga Kultura, kaugalian at paniniwala nating mga Pilipino, at nitong araw ang ibabahagi sa atin ni kaka Alih ay Kultura, Kaugalian at Paniniwala ng mga Bangsamoro Muslim kaya naman samahan kami sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya. (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya) NENITA: Magandang umaga Kaka Alih, KAKA ALIH: Magandang umaga din Kapatid na Nenita, assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaating Nawa) sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim. Sa makabagong panahon at henerasyon, marami na ang mga taong naeenganyo sa gadgets, pag-ibig, karahasan, at iba pang bagay na nagaganap sa ating bansa sa mga panahong nagdaan. Sa makabagong panahon at henerasyon na ito’y karamihan na sa ating mga kababayang Pilipino na ang tila ‘nakakalimot’ na sa kaugaliang ating nakasanayan pamula sa ating mga ninuno, ngunit meron pa ring mga Pilipino ang hindi pa nakakalimot at magpahanggang-ngayo’y sinsasanay rin nila ang kanilang mga kamag-anakan sa kaugalian at kultura nakasanayan na. Ano ang kultura? Ang Kultura ay tumutukoy sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng mga tao sa isang tiyak na teritoryo na may pagkakakilanlan. Ito rin ang humuhubog sa pamumuhay ng tao at nagbibigay ng kahulugan sa buhay. Kaya sa umagang ito ay kilalanin natin ang ilan sa mga Kultura, Kaugalian at paniniwala ng mga kapatid na Bangsamoro Muslim. Kasamang Nenita, sisimulan ko ang usaping ito sa bago pa man dumating sa mga pulo ang mga Kastila, o sa lupang nasa Silangan o tinawag ni dating president Marcos na Maharlika, ( ang mananakop, the colonizers), noong 1521 ay may kultura at kaugalian na ang mga naunang naninirahan dito sa lupain na ngayon ay tinatawag na Pilipinas. Bagamat ang mga ninuno natin ay nagtanggol sa kanilang mga kaharian, sila ay nagapi dahil sa makabagong armas sila ay natalo at nasakop ng Espania. Dahil ang mga mamayan sa Lupang Silangan (na tinawag ng Espania na Pilipinas, na ang ibig sabihin ay “tao ni Haring Felipe”) ay nasakop ang ating mga ninuno, at di nagtagal ay tinawag na mga Pilipino. (utang natin ito kay Jose Rizal kong bakit tayo natawag na Pilipino, isa sa pinaglaban niya, dahil ang tawag noon sa sa Pilipino ay Indiyo) Ang mga kulturang Pilipino ay dahan-dahan nangawala at di man nawala ay nadagdagan o sadyang nabago sa pagdaan ng panahon. Sa bandang Mindanao, Sulu at Palawan (MINSUPALA) ay nahirapan ang Espania na sakopin (ayon sa ibang manunulat ay hindi talagang nasakop) dahil sa isa na itong matatag na bansa noon pa man bago pa dumating ang mga mananakop na Espaniol. Bagamat hindi gaano makabago ang armas ay organisado ang kanilang tanggulang bansa. Hindi basta-basta nakapagtatag ng kanilang goberno dito sa MINSUPALA ang mga dayuhang mananakop na Espaniol, ngunit dahil sa tulong ng mga kapatid, (na nabihag) na ngayon ay tinawag na Pilipino (na walang magawa kundi sundin ang utos ng mananakop, kaya sila napilitang maging mandirigma na nagsisilbi para sa Espanya) ay natalo nila ang depensa ng mga Bangsamoro sa Sambuwangan (Zamboanga), at itinayo ng Espania ang kanilang kuta, tinawag nila itong Cota del Pilar. Dahil sa hindi nasakop, nanatili (intact) ang kultura mga Bangsamoro (Moro ang tawag ng Espania sa mga tao na katulad ng kanilang nakalaban sa Morocco. At Bangsa ang ibig sabihin sa Malay ay nangangahulugan ng angkan- kaya angkan ng mga Moro=Bangsamoro) ang kanilang mga kultura at kaugalian. At ang mga kulturang ito ay hinango naman sa Islam, ang relihiyong kanilang pinaniniwalaan noon pa man. Ang ibig sabihin ng Islam ay ..”pagtalima at pagsuko sa nag-iisang Diyos.” Ang tagasunod ng Islam ay tinatawag naman na Muslim na ang ibig sabihin, “…. ay naniniwala, mga taong tumalima sa kautusan ng Allah” (ang tawag sa Poong Lumikha o Diyos). At dahil sa paniniwalang ito sa Islam ang kanilang mga kultura at kaugalian ay nilimbag sa timplang Islam, kaya makikita natin na halos magkatulad sa Islam. Dumaan ang mga panahon, dumating ang Amerikano (tawag sa taga Amerika), natalo naman nila ang Espania at sila ay napaalis dito sa Pilipinas, bagamat ang kanilang kamandag ay nanatili nanalaytay pa rin sa dugo ng mga Pilipino. Nasakop na ng Amerika ang Pilipinas, hindi ito nagtagal, bakit ? dahil marahil wala na silang makakatas, dahil nasaid na maraahil ng Espania ang tamis nito, kaya iyon marahil ang dahilan na ibinigay na nila ang “pagsasarili” (independence) sa mga Pilipino. Ang masakit lang nito ay isinama nila ang mga kapatid na nasa Mindanao na hindi man lang nila kinunsulta, ong papayag ba sila o hindi. Sa kabila ng katotohanan na sila ay nagsisigaw na ibalik sa kanila ang kanilang dating pagsasarili. Nagplano ng mga programa ang bagong nagsasariling bansa (ang Pilipinas) kong papaano magkaisa sa paniniwala at kultura ang mga taong tinatawag nilang Pilipino at ang ayaw na matawag na Pilipino (na ngayon ay lalong kilala sa tawag na Bangsamoro). Ang magkapatid na ito ay magkasalamuha, (naging kapit bahay at ang iba naging kabiyak,) at dito sa prosesong ito ay dahan-dahan, nabuo ang mga kultura at kaugalian na hindi ginagawa ng mga ninuno ng mga Bangsamoro at wala sa katuruan ng Islam. Ang tanong ano ang mga ito, na mga kultura at kaugalian na wala sa mga ninuno at hindi itinuturo ng relihiyong Islam? Narito ang ilan sa mga ginagawa ng ilan sa mga Bangsamoro sa ngayon na hindi na kasama sa mga kultura at kaugalian ng mga ninuno: 1. Pagdiriwang sa araw ng kapanganakan (Birthday) Ang mga “assimilated” na Bangsamoro sa ngayon ay nagdiriwang na rin ng kaarawan ng kanilang mga anak katulad ng mga Pilipino o yaong ngayon ay tinatawag na “settlers”. Ang mga ninuno ng mga Bangsamoro ay may sarili silang pagdiriwang sa mga anak na bagong panganak, pagkapanganak ay tatawag sila ng Azan o bang sa tabi ng kanilang anak. Ilang araw o linggo ay magtatakda sila ng kaduli na tinatawag na “gunting” dito bibibigyan ng pormal ng pangalan ang bata. Sa ibang tribung Bangsamoro (Maguindanaon, Iranon) mayroon din silang tinatawag na “likat sa lantay” isa din itong uri ng kanduli (thasksgiving). Papaano nagdiriwang ang mga ibang Pilipino ng kaarawan? Kanilang hinalaw marahil sa kanluraning kultura. Ang pagdiriwang ng kaarawan ay bantog na bantog noon pa sa mga paganong Greko at Romano. Ito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aalay, masaganang kainan, at ang pagbibigay ng regalo sa may kaarawan. Diyan marahil nahango ang pagdiriwang sa kaarawan ng kapangakan ni Jesus o Iesa (kapayapaan ay sasakanaya). Tanong bakit kayong mga Bangsamoro ay ipinag diriwang ang Kaarawan ni Propeta Muhammad kong tawagin ninyo ay Maulidin Nabi Ito ay sadyang napakalungkot na nangyayari. Bagama’t ang mga Muslim ay may maliwanag na patnubay na nananatiling nasa orihinal na anyo hanggang sa ngayon, hindi pa rin maiwasan ng iba ang pagsagawa ng mga bagay na salungat sa itinuturo ng Islam. Ito ay dulot ng kamangmangan sa pananampalataya at sa pagnanais na tularan ang ginagawa ng iba. Si Propeta Muhammad ay nagsabi: “Anumang bagong bagay na isinasama sa ating pananampalatayang ito (Islam), ay hayaan itong itakwil.” Si Propeta Muhammad ay nagsabi: “Wala nang iba pang gawain na makapaglalapit sa inyo sa Allah maliban lamang sa mga naituro ko sa inyo.” Si Propeta Muhammad ay nagsabi: “May dalawang bagay akong iiwanan sa inyo na kung inyo itong panghahawakan ng mahigpit ay hindi kayo maliligaw: ang purong Salita ng Allah at ang aking Sunnah.” Si Propeta Muhammad ay nagsabi: “Huwag magmalabis sa pagpuri sa akin kagaya ng ginawa ng mga Kristiyano sa anak ni Maria. Ako ay isang alipin, kaya’t inyo lamang sabihin: “Alipin ng Allah at Kanyang Sugo”. 2. Pagpapaputok sa araw ng Id Pagsapit ng Id (Hariya Puwasa at haj) ay nagpapaputok ang mga Bangsamoro, bilang pagsasaya, katulad ng pagdiriwang mga Intsik. Ang mga Intsik na kilalang mangangalakal sa mundo at dumating na sila ditto sa MINSUPA, at marahil ito ang impluwensa nila sa mga Talainged (native inahabitants). Noon ang pinapuputok ay rebentador at kanyon na gawang Tsino, di nagtagal ay ginaya ng mga mga Pilipinong taga Bulacan. Sa ngayon ay nawala ang mga iyon, at napalitan ng mga makabagong armas na pumuputok at ito na ang ginagamit. 3-Kalilang (ceremonial of marriage) Ang kasal ay sa mga restaurant o hotel ay isinasaayos ng mga “third generation” at kanila nila ito kinopya sa sa kultura ng settlers at dinagdagan ng kulturang Bangsamoro, lalo na yaong hindi pa tanggap ng mga katutubong Bangsamoro. Halimbawa ang Biblia ay pinalitan ng Qur’an. Nagsasabay ang babae at lalaki, at nagpaparada na ang babae kahit hindi pa sila kasal. Naglalagay din sila ng decoration na tinatawag na pandala. Ang mga Bangsamoro noon kong may ikakasal ay hiwalay ang lalaki at babae, pagkatapos ng Kutba Nikah (wedding sermon) ay sasamahan ang lalaki ng biyanan sa babaeng pinakakasalan. Ang kalilang ay ginagawa sa bahay ng babae, isa araw o higit pa bago ang kawing l o kasalan. 4- Pagdadamit na nakalabas ang kahubaran, at pag-gaya sa ibang kasarian Sa ngayon ay nakapantalon ang mga babae katulad ng mga lalake, at ang mga damit ay hakab na hakab ang porma ng katawan. Ang damit ng babae ay tinatawag na minoro ang pangitaas at malong ang pang-ibaba, ito ay kahantulad sa damit ng T’duray noon. Nagtetendong (bandana) ang mga babae. Naglalagay ng mga decoration ang babae sa kanyang damit ng mga ginto o pilak. Ang lalake naman ay gumagamit ng tubaw. At may nakasukbit na gurok sa tagiliran (maliit na punyal) at nakasabit na sundang o kampilan sa biwang at kong minsan may dala-dalang bangkaw (spears). 5-pag-inom ng alak na makalasing (kamer) Sa ngayon ay umiinom ng alak na makalasing ang mga Bangsamoro, katulad na rin mga Settlers na Pilipino, kahit ito ay patago sa mga kamag-anak o angkan, dahil sa isinusumpa o itinuturing noon ng mga ninuno na “kafir” (hindi naniniwala) ang uminom ng arak (alak na makalasing) ayon sa paniniwala ng ninuno o matatanda ay 40 na araw na walang matatanggap na amal (pagsamba sa Allah o Gawain para sa Allah ang matatanggap). Ang basehan ng mga Bangsamoro kong bakit hindi dapat inumin ng isang Naniniwala ang alak na makalasing ay base na rin sa Quran. “O kayong naniniwala o Nanampalataya! Ang mga nakalalasing na alak (lahat ng uri ng inuming may alkohol at i iba pa na nakapagbibigay ng lambong sa kaisipan tulad ng ipinagbabawal na gamot, droga, ), pagsusugal, Al Ansab at Al Aslam (mga gamit sa paghahanap ng suwerte at pasiya) ay kasuklam-suklam at mga paglalalang (pakana) ni Satanas. Kung kaya’t iwasan ito upang kayo ay mangagsipagtagumpay.” [Qur’an, Surah Al Maida: 90] Mga sakit na idinudulot ang alak, (na base sa pananaliksik ng mga nakakaalam at pwedeng Makita ng harap-harapan):
NENITA: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, (Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Brigada Eskuwela (May 16, 2012-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –Nenita Minted) NENITA: Brigada Eskuwela na naman.. kaya ito ang pag-uusapan natin kaya samahan mo kami kaibigan sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya, ditoay makakasama natin si Kapatid na Alih. (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya) NENITA: Magandang umaga Kaka Alih, KAKA ALIH: Magandang umaga din Kapatid na Nenita, assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaating Nawa) sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim. Muli naman magsasagawa ang mga paaralan ng Brigada Eskuwela nitong Mayo at dito sa Nuro Central Elementary School ang nakuha natin na schedule ay May 21-25. Ano ang sinabing Brigada Eskuwela? Ang brigade Eskwela ay isang boluntaryong gawain na nilalahukan ng mga guro, magulang, mga mag-aaral, mga mamamayan at mga organisasyong pang-sibiko na siyang tutulong sa pagpapanatili ng kalinisan, pagpapaganda at pagsasaayos ng mga bakod ng paaralan. Layunin ng programang ito na pasimulan ang buong-taong pagtutulungan upang maging maayos at maaliwalas ang mga pampublikong paaralan para naman magingganado at maginhawa ang mga bata sa kanilang pag-aaral. Ayon kay principal Abel Ersando principal ng NCES, malaki ang maitutulong ng ganitong gawain sa kanila bago magsimula ang araw ng pasukan, para pagpasok ng mga bata ay deretso na silang aral, hindi na sila magtrabaho para maglinis sa paligid ng paaralan. “Ang brigada Eskwela is intended to prepare the school sa nalalapit na pasukan. Imbes ang mga pupils ang maglilinis sa pasukan, ngayon parents na lamang para ang mga pupils makapag-aral agad,” ayon kay Ersando Ayon pa rin kay Ersando, ang lahat ng mga magulang ay dapat lumahok dahil magbibigay sila ng certificate, at kinakailangan ito sa pag-enroll ng mga anak nila. Kahapon ay nag-meeting ang mga guro kasama si Hon Kagawad Andress, ang Philippine Army at Pulis, para sa sama-samang paglulunsad sa Lunes nitong programang Brigada Eskuwela, sa bayan ng Upi. Alam mo Nenita matataandaa ko pa noong ako ay nag-aaral pa, kami ang naglilinis. NENITA: Ganoon din ako Kaka, ang matandaan ko bago inilunsad ng DepEd ang Brigada Eskwela ang mga mag-aaral ang siyang naglilinis ng kanilang paaralan dahilan upang maantala ang pagsisimula ng unang araw ng kanilang klase. KAKA ALIH: Tama ka diyan Kapatid na Nits, Sa ibang paaralan nga kadalasan lumilipas pa ang isang linggo bago ang pormal ng pagsisimula ng klase dahil sa paglilinis ng kanilang mga paaralan. Sabin g isang parents, “Maganda ang layunin nito na pasimulan ang buong-taon ang pagtutulungan upang maging maayos at maaliwalas ang mga pampublikong paaralan para naman maging ganado at maginhawa ang mga bata sa kanilang pag-aaral.” Dahil salat sa badyet ang DepEd ay kailangan talaga ang pakikisangkot ng mga mag-aaral, guro at magulang, mga kawani ng barangay at pamahalaang lokal, mga grupong sibiko at iba pa para linisin at kumpunihin ang mga paaralan. Sa mga magulang guro at mag-aaral, na konting paalaala lamang po tayo: Alam natin na may nakagawian tayong mga Pinoy, ang pagsusunog sa mga nalaglag na tuyong dahon, mga pinutol na damo, mga winalis na papel at iba pa. Alalahanin natin na ang pagsisiga ay lumilikha ng usok, uling at abo na nakapagpapasama sa kalidad ng hangin na ating nilalanghap. Ikinakalat nito ang mga pinong dumi at lasong kemikal na maaaring maging sanhi ng pananakit ng ulo, pagka-irita ng mga mata, balat at lalamunan, paninikip ng diddib, pagsumpong ng hika at maging sakit na kanser. Imbes na magsiga na lalo lamang pinapainit ang kapaligiran ay maaaring sinupin at gawing kompos ang mga panapong nabubulok na kinalaunan ay magagamit na pataba sa halamanan ng paaralan. Sa listahan ng gagawin ng mga Brigada Eskwela ay maisaayos rin sana ang pampaaralang Materials Recovery Facility (MRF) upang makatulong sa wastong pagpapairal sa pagbubukod at paggamit muli ng mga panapon. Pangalawa na paalaala natin ay ang pagtanggal ng mga lumang pintura sa mga dingding, bintana, pinto, kisame at pader at ang muling pagpipinta ng mga ito. Ang pagbakbak o pagliha ng mga pinturang may tingga (lead) ay peligroso para sa mga gumagawa nito at sa mga batang malalantad sa mga alikabok at tapyas na kontaminado ng tingga. Ang pagkakalantad sa tingga kahit na sa mababang antas lang ay maaaring humantong sa ”neurological damage” na kung minsan ay hindi na malulunasan pa. Ayon sa mga eksperto, ang pagkakalantad sa tingga ay maaaring magdulot ng pagkabalam sa pag-unlad na pisikal at pangkaisipan, mababang IQ, maiksing attention span, at problema sa pag-uugali ng mga bata. Kung nasa mabuti pang kondisyon ang mga lumang pinta na posibleng may tingga ay mas mabuti pa na huwag itong galawin upang hindi na kumalat pa ang lasong kemikal. Kung nais namang pintahan ang mga silid aralan at iba pang bahagi ng paaralan ay pumili ng pinturang wala o mababa ang tingga. Mabuting bigyang diin rin ito sa mga kaibigan ng paaralan na nagbabalak magkaloob ng pintura sa Brigada Eskwela. Sa pagsusuring isinagawa ng EcoWaste Coalition, Global Alliance for Incinerator Alternatives at ng International POPs Elimination Network sa mga pinturang mabibili sa merkado ay nakitang higit na mas mababa ang antas ng tingga sa mga pinturang ”water-based.” Sa mga kalahok sa Brigada Eskwela nitong 2012, Congratulation in advance, mabuhay kayo…maraming salamat sa inyo at nawa’y maging kabahagi kayo sa pagsusulong ng malinis, malusog at ligtas na mga paaralan, pampubliko man o pribado, na karapatan ng bawat batang Pilipino at Bangsamoro. Ito ang inyong magulang na naghihikayat sa lahat sama-sama tayo sa Lunes para sa Brigada Eskuwela. Sukran wassallamu alaikum warahmatulahi wabarakatu. NENITA: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, (Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
![]() PASAWAY (May 15, 2012-Martes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –Nenita Minted) NENITA: Pasaway o matigas ang ulo, o taong mahirap pagsabihan, dahil patuloy na sumusuway sa utos, at ito ang ibabahagi ni Kaka Alih, ngayon umaga ng Tuesday, May 15, 2012, kaya Samahan kami sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya. (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya) NENITA: Magandang umaga Kaka Alih, KAKA ALIH: Magandang umaga din Kapatid na Nenita, assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaating Nawa) sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim. Pasaway – ito ang tawag sa mahirap pagsabihan o, sa madaling-salita, “makulit” at napansin ninyo kadalasang mga bata at kabataan ang nasasabihan ng “pasaway ka!” Pero ang tutoo lang, hindi lang mga bata at kabataan ang pasaway, hindi ba Nits? NENITA: Tama ka diyan Kaka Alih, kong ayaw pakontrol ang tao, omay kakulitan matanda man o bata, dapat tawagin na pasaway. KAKA ALIH: Pero kadalasan nga ang mga katulad nilang mahirap pagsabihan o talaga namang makulit ang tinatawag na pasaway. Sabagay hindi bago ang mga batang pasaway, of course ganoon din sa mga nakatatanda. At walang gaanong pinagkaiba ang nakatatanda noong panahon sa mga nakatatanda ngayong panahon natin. But for sure kailangang idisiplina ang bata at matandang pasaway, dahil sadyang nakakagulo yan. NENITA: Agree ako Kaka Alih, dapat talaga n madisiplina ang ganyan, na tao, ang tanong ko Kaka papaano ang pagdisiplina sa kanila? KAKA ALIH: At maraming paraan ng pagdisiplina Kapatid naNenita. Ayon sa mga may kaalaman sa ganitong problema, may dalawang uri ng pagdidisiplina. Ang isa ay ang tamang pagdidisiplina. Ito ang uri ng pagdidisiplina nang hindi pagpaparusa ang pangunahing layunin ng dumidisiplina. Sa halip, ang pakay ng pagdidisiplina ay ang maiwasto muli, at hindi maparusahan ang pasaway sa pamaraang hindi marahas at talagang nagbibigay-leksyon sa dinidisiplina dahil pinagsisikapan nitong mabuti na maipaliwanag sa dinidisiplina ang dahilan ng pagdidisiplina. Kaya nga tinawag na tamang pagdidisiplina sa pasaway. Ang pangalawa pa ay ang pagdidisiplina ng puro tama. Kaya naman ito puro tama dahil una, puro tama sa palo ang dinidisiplina at, ikalawa, palaging ang dumidisiplina lang ang tama kasi ayaw tumanggap ng paliwanag ng dinidisiplina. Marahas ang pagdidisiplinang ito. Ganito ang pagdidisiplina ng mga taong sinasabing “mabigat ang kamay”. Makitid din ang pagdidisiplinang ito dahil walang puwang sa pag-uusap o dialogo. At dahil marahas at makitid nga, walang mabuting ibinubunga ang ganitong uri ng pagdidisiplina. Tunay ngang ang batang lumalaki nang walang pagdidisiplina ay sawi, pero ang batang lumalaki naman sa paraan ng ikalawang uri ng pagdidisiplina ang pagdidisiplinang puro tama ay karaniwang nagiging marahas din at makitid ang utak pagtanda. Ang biktima ngayon nagiging mambibiktima bukas – alam po ba ninyo iyon? May isang magulang na nabasa ko, na ang ginamit ay ang tamang pagdidisiplina at hindi pagdidisiplinang puro tama. Ang paniniwala niya ay dapat turuan ang mga pasaway na kabataan ng mga kapaki-pakinabang na mga gawain para malayo sila sa tukso ng masamang pamumuhay. Naging bukambibig na niya sa mga bata na ang taong tamad ay lapitin ng tukso. Kaya nga ang unang hakbang niya sa tamang pagdidisiplina ay ang pagsisikap na unawain at pakibagayan ang kanyang mga dinidisiplina nang hindi binabalewala ang hamon ng tuwid na pamumuhay. Tinipon niya ang mga kabataang delinkuwente mga kabataang pasaway at itinuturing ng lipunan bilang wala nang pag-asa at tinuruan sila ng mabuting asal at gawaing kapaki-pakinabang, gaya ng mga gawaing mgas physical at teknolohikal . At hindi naman siya nalugi dahil hindi nagtagal ay nakabuo siya ng grupo ng mga kabataan na disiplinado at naniniwala sa Diyos, o maka Diyos na mga kabataan. Kaibigan bakit hindinatin subukan, try lang, kong hindi epektibo try naman sa ibang paraan.. Ika nga try and try until you succeed. Ito ang inyong Kaka Alih.. sukran wassallamu alaikum Warahamatulllahi wabarakatuh. NENITA: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, (Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Pagkakaisa Susi sa Kaunlaran ng Bayan
![]() (May 14, 2012-Lunes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –Nenita Minted) NENITA: “Papaano umunlad ang isang bayan ay maraming paraan, ‘ika ng iba ay kinakailangan mo lamang makita ang susi, ano ang tamangh susi? Ang isang susi daw nito ay ang pagkakaisa. Ano man ang inyong susi, Samahan kami nina Kaka Alih, sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya, para ibahagi ang isa sa susi ng kaunlaran….. ang pagkakaisa. (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya) NENITA: Magandang umaga Kaka Alih, KAKA ALIH: Magandang umaga din Kapatid na Nenita, assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaating Nawa) sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim. NENITA: Balita ko ay nagkaroon ng family reunion, ang pamilya Anso, na isa ka membro nito, kumusta? KAKA ALIH: Yes Nits, kahapon May 13, 2012 isinagawa ang unang 1st grand family re-union ng Anso – Pendulunan, mga isang libo ang nakadalo, at napakasaya biruin mo kasama mo na pala dati di moalam na malapit pa lang kamag-anak. NENITA: pang-ilang generation ka pala Kaka alih sa Anso? KAKA ALIH: Ako sandali ha? Si Anso anak niya si Melid, si Melid anak niya ang Nanay ko na si Ito, ah pangatlong layers o generation na pala ako… Sa isinagawa naming na re-union, dito napatunayan Nits, na malaki ang factor ang magagawa ng leader, dahil sa maganda ang pangangasiwa at pag-organized nabuo ang at naisagawa ang nasabing family re-union, na yun. Subalit kong wala ang mga membro ng pamilya na nakiisa at sumuporta dimain magagawa ang ganoonna ka successful na family re-union. Ang paniniwala ng iba kasi, ay ang kaunlaran ng isang gawain o bayan ay nakasalalay sa kanilang pinuno. At nakakalimutan nila na ang membro o mamamayan na nakakarami ay hindi binibigyan ng halaga. Kaibigan magtatanong ako, ganoon ba talaga? na wala na bang role na ginagampanan ang nakakaraming mamamayan? Kong ganoon ang inyong paniniwala, salungat ito sa pag-aaral ng mga expert sa pamamahala o management. Dahil ayon sa pahayag ng isang political science professor o experto sa usaping pamamahala: “Ang mga tao o mamamayan ang itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Bawat isang mamamayan ay mahalaga sa pagbuo ng bansa. Nakasalalay sa uri ng mamamayang naninirahan dito ang lakas at kaunlaran ng isang bansa, tulad ng bansang Pilipinas.” Kaya naman bawat Local Government Unit (LGU) na PRO Development, ang palaging priority sa kanilang mga project na ipinapatupad ay ang Human Development o kaunlaran ng kanyang mamamayan ang pinakakaingatan at pinangangalagaan. “Peoples empowerment o pagbibigay ng halaga sa tungkuling ginagampanan ng mamamayan”. Paliwanag ng isang NGO. Ang halimbawa nito ang mensaheng ipinahayag ng ating kagalang-galang na Alkalde, Ramon Piang Sr. sa isang pagtitipon na live na ini -himpapawid sa DXUP FM : “Para sa kaunlaran ng bayan, kailangan ang pagkakaisa, walang nag-aaway-away at walang pangangamba sa kaligtasan ng kanilang buhay at ari-arian ang ating mamamayan”. Nenita , anong commentary mo sa sinabi ni Mayor? NENITA “Ako?...Agree ako sa ating alkalde, na ang kaunlaran ng bayan at produktibong mamamayan ang tunay na yaman ng bayan o bansa. Mahirap umuunlad ang isang bansa kung ang mamamayan ay walang ginagawa na makakabuti para sa bayan at sa kanyang kapuwa.” KAKA ALIH: Tama ka diyan Kapatid na Nenita, May nagtanong: “Ano ba ang dapat taglayin ng isang mamamayan upang makatulong ito sa pagbibigay-lakas at makapag-ambag sa kaunlaran ng kanyang bayan?” Heto ang sagot ni Maam, isa itong retired teacher: “Upang maging madali para sa bayan o bansa ang pagtatamo ng kaunlaran, kailangang ang makatuwang o makatulong nito’y mga mamamayan na may lakas,pagkakaisa, kakayahan o malulusog, may disiplina sa sarili at kaalaman.” Sang-ayon ako sa inyong tinuran maam, I second the motion. Pinaliwanag din ni Maam, na ganito: halimbawa daw nito ay: “Ang autoridad katulad ng ating Kapulisan at ng Sandahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines) ay hindi mangingiming ipatupad ang sinasabi ng batas, dapat pantay-pantay, ang pag-papatupad ng batas na tulad ng sinasabi nila na may piring ang katarungan, (ang ibig sabihin nito ay, hindi niya nakikita kong ikaw ay kamag-anak o kaibigan, dahil kong ikaw ay nagkasala, sori ka nalang, trabaho lang walang personalan).. “Ngunit Kaka Alih, dapat isa-alang-alang din ng mga otoridad ang karapatang pangtao o yaong tinatawag na human rights.” sagot ng isang human advocates group. Sang-ayon ako kay Maam, dapat sa pagpapatupad ng batas ay palaging isinaalang-alang ang makatao o walang nilalabas na human rights na pagpapatupad ng batas, alalahanin na maraming tribu dito sa ating bansa, magkakaiba ang kanilang mga paniniwala at iba-iba din ang kultura, kaugalian na kinagisnan at pinaniniwalaan. “Kaya naman nararapat lamang na pinag-aaralan o inaalam ng mga ahente na ito ng goberno ang kultura, kaugalian at paniniwala, para maipatupad nila ang batas na hindi nalalabag ang kultura at kaugalian ng ibang Pilipino”. Ayon kay Nancy, isang anchor ng programa sa DXUP FM. Halimbawa, dapat malaman ang kultura ng mga Kapatid na Pilipino sa kultura ng mga kapatid nilang Bangsamoro na Muslim, na minsan ay nalalabag ng mga otoridad ay itong pagsusuot ng sapatos sa loob ng Masjid o bahay ng sambahan. Ang sapatos ay hindi ipasok sa llob ng Masjeed (mosque), maging sinu ka man, kina kailangan alisin ang sapatos kong papasok ka sa Masjeed (mosque) at kong isa kang Muslim dapat nakapaghugas (ablution). Dagdagan pa natin ang halimbawa, sa disiplina: Ang mamamayan ay dapat sa sumunod sa sinasabi ng batas, dapat sumunod tayo sa patakaran, halimbawa, kong sinasabi ng batas na bawal ay dapat sundin natin, huwag ng maglalagay o magtitinda n gating paninda. Ang patakaran ay dapat kumuha muna ng business license bago magnegosyo ay kinakailangan nating sumunod. Muli tayong magtatanong sa bayan: “Ano ang maaaring kahihinatnan ng isang bayan o bansa kung ang kanyang mamamayan ay walang disiplina? NENITA: “Kaka Alih, Tiyak magulo, walang asenso, dahil, instead na pagpapaunlad ang inaasikaso ng otoridad, ang concentrate nila ay ang pagdidisiplina sa mamamayan. KAKA ALIH: Correct ka diyan Nenita. Kabayan…Naisip mo na rin ba ang magandang mangyayari kung lahat ay may disiplina?· Naisip mo na ba ang mangyayari sa bansa kong walang nagnanakaw sa kaban ng bayan? Kong walang nangungurakot na official sa pera ng bayan? Naisip mo rin ba kong ang ating mga kawani at official ng bansa, ng bayan, ay tutupad ng kanilang mga tungkulin ng tapat at dalisay, ibig sabihin ay walang corruption?· Magrereport siya sa opisina sa tamang oras at uuwi din sa oras ng uwian? Naisip mo rin ba Kapatid kung hindi na magtatapon ng basura kung saan-saan ang ating mamamayan?· Na hindi na tayo magtatapon ng basura sa ating mga kanal na patuloy na pinapaganda ng ating local na pamahalaan? May tanong akong muli sa iyo Noralyn, kung susunod ang mamamayan sa mga batas at alituntunin ng trapiko, ng patakaran ng pagtitinda sa palengke, what you will expect?· NENITA: “ I am sure kaka Ali, magiging modelo tayo, wala tayong problema, ang ating mga oficial o otoridad ay makakapagtrabaho ng maayos, na walang sagabal, kaya asahan natin na kaunlaran ang susunod na mangyayari. KAKA ALIH: Tama ka Nenita, kung iiwas siya sa mga bisyo tulad ng mga ipinagbabawal na gamot?· At higit sa lahat, kung tutupad ang bawat isa sa kanyang mga tungkulin? Kong ang bawat isa sa atin ay gagampanan ang kanyang tungkulin sa kanyang kapuwa at higit sa lahat tungkulin sa kanyang Poong Lumikha, at tuparin ang ipinag-uutos at ipagbawal ang ipinagbabawal?.Tiyak kong kalulugdan tayo ng ating Poong Lumikha. May nagsabi din na ang: “Pangunahin at pinakamahalaga sa lahat na dapat taglayin ng mga mamamayan malulusog na katawan at isipan.” Kaya naman ang Lokal na Pamahalaan ng Upi sa pamumuno ni Mayor Ramon Piang Sr. ay naglalaan ng pondo at nagpapatayo ng mga health center, at nagpagtalaga ng mga health personnel sa mga Barangay para matulungan ang mamamayan para sa kanilang kalusugan. Paliwanag din ng isang kaibigang doctor: “…na maituturing na ring kayamanan isang mamamayan ang malusog na pangangatawan, kahit mahirap siya, sapagkat taglay niya ang lakas upang gampanan ang kanyang mga tungkulin sa bayan.” Mayaman man ang isang tao ngunit kung siya’y masasakitin, mauuwi lamang sa pagpapagamot ang kanyang salapi at malabong siya’y maging produktibo.· Sinabi naman ng Kalihim ng Kalusugan na: “Ang mamamayang may malusog na pangangatawan ay malaking puhunan upang makatulong sa produksyon ng bansa”.· Siyang tunay sir, Madali at mabilis niyang magagampanan ang gawain kung siya’y malusog. Maraming proyekto ang nangangailangan ng lakas ng katawan, ang Mrs mo pare, kailangan din niya ang malusog mong katawan. (PLAY LAUGHING) Kailangan ang malusog na isipan sa paglutas ng mga suliranin ng bansa at sa pagpapasya.· Ito po ang inyong Kapatid - Kaka Ali na naghihikayat sa ating lahat “…matuto tayong sumunod sa batas upang hindi tayo magkaproblema”... Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya .. Sukran and Wassallam. NENITA: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid matuto tayong sumunod sa batas, para sa ating kaunlaran. (Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
![]() Alih S. Anso Upi, Maguindanao (May9)..Nanumpa nitong Martes May 8 sa harap ni Pangulong Benigno Aquino III ang 27 miyembro ng Regional Legislative Assembly (RLA) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao. kabilang sa nanumpa ang secretary general ng Organization of Teduray and Lambangian Conference (OTLAC) na si Timuay Deonato P. Mokudef, bilang kinatawan ng Indigenous People (IP). Si Mokudef ay dating membro ng Community Media Education Council (CMEC) na siyang governing body ng community radio DXUP FM na nakabase sa Upi, na ngayon ay tinawag na DXUP TeleRadyo. Ang ibang RLA members ay: - Nurjay Sahali, Rodolfo Bawasanta at Carlum Jumaide para sa lone district of Tawi-Tawi - Juni Ilimin, Jarah Hamja at Rajam Akbar for the lone district of Basilan - Satrina Tulawie, Nedra Burahan and Mahendra Madjilon for the 1st district of Sulu - Bhydir Sarapuddin, Abdel Anni, at Irene Pungutan-Tillah para sa 2nd district of Sulu - Ziaur Adiong, Rasol Mitmug Jr., at Majul Gandamra para sa 1st district of Lanao del Sur - Yasser Balindong, Sittie Norhanie Lao at Alexander Menor para sa 2nd district of Lanao del Sur - Arafat Kusain, Suharto Ibay, at Romeo Sema para sa 1st district of Maguindanao - Bassir Utto, Rahima Alba, at Khadafeh Mangudadatu para sa 2nd district of Maguindanao, and - Yasir Naga, Samira Gutoc at Deonato Mokudef bilang kinatawang sectoral representatives.
![]() Pagdisiplina sa Anak (May 8, 2012 Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Nancy Lawan) Host/Nancy: “Kaibigang nakikinig at nanonnod, matanong ka namin papaano mo dinidisplina ang inyong mga Anak? Bago mo pa sagutin ang katanungan, heto pakinggan natin si Kaka Ali sa ating segment na: (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya) Host/Nancy: Magandang umaga Kaka Alih, pagdisiplina sa anak papaano ba? KAKA ALIH : Magandang umaga din Nancy, assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh. Alam mo Nancy, at kaibigang nakikinig at nanonood, maraming mga traditional “daw” na pagpapalaki sa anak na dapat nang ibasura ng pamilyang Pilipino. Halimbawa nito ay ang inilalagay sa sako ang bata at ibinibitin sa kisame. NANCY: Naku po, grabe naman yan na magulang, din a siya kinakabahan nab aka madisgrasya niya ang anak?.. KAKA ALIH: Tama ka Nancy, but kong minsan epektibo din ito, kailanganlamang ang ibayong pag-iingat, at gamitin lang daw ito sa last recourse. Alam mo Nancy, minsan ko rin itong ginawa sa pamangkin ko na hindi sumusunod sa nanay niya, hay salamat naman at ngayon ay matino na siyang tao, siya na ang nagdidisplina sa pamilya at hindi lang pamilya mga ibang tao, dahil isa ng siyang official na Pulis. Mayroon pa akong halimbawa na dapat na daw ma-ammend dahil medyo luma na daw.. (LAUGHING) Pinaluluhod sa banig na may asin, o kaya ay paluluhurin sa isinaboy na monggo sa sahig. Itinatali sa puno para pagtawanan ng kapwa bata sa barangay. Hahagisan ng matatalim na bagay at bahala na ang bata kung papaano iilag. Host/Nancy: Grabe!! Naman yun Kaka…Wala bang mga isip ang mga magulang na ganito? Puwedeng-pwede nilang mapatay ang sarili nilang mga anak. KAKA ALIH: Agree ako dyan Nancy, sa sinabi mo, posibleng may masamang epekto, pero may magulang na nagsabi na depende sa pagpapatupad ng magulang. May nagsabi noon sa akin na isang relihiyosong Kristiyanong kaibigan na nakasulat daw sa Kawikaan ang wastong pagpalo ang dapat pairalin o gagawin ng mga magulang. Ang tanong ko sa kanya ay papaano pare? Ang sagot sa akin ay: “Ganito pare pwede mong tatawagin mo ang anak mo, ipapaliwanag mo sa kanya kung bakit mo siya papaluin, sasabihin mong mahal mo siya pero hindi puwedeng palampasin ang pangit na ugali, mananalangin kayo, at pagkatapos ay papaluin mo siya ng tsinelas sa puwit at reminder, kinakailangan sa oras na pagpalo mo hindi ka na galit.” Tinanong ko minsan ang kasama natin na si Nenita, kong papano siya magdisiplina sa mga anak. Ang kuwento niya ay ganito, kapag nasabi daw niya na papaluin ang anak, pag sinuway pa ang mga rules na pinapatupad ay tinutupad niya iyon, ibig sabihin ay tinutuloy niya ang pagpalo sa kanila, subalit pagpalo na pangdisiplina lamang sa anak, ibig sabihin yaong nasa tamang pamamaraan. Ano ang tamang pamamaraan ng pagpalo? Paluin ang anak sa hindi siya mapipilayan, yaong maramdaman lamang ang sakit, ako sa puwitan ko pinapalo. NANCY: Ako Kaka may nakita ako na tatay sinusuntok ang anak, di ako sang-ayon doon. KAKA ALIH: Ako din Nancy, I beg to dis-agree sa ganoon paraan, sinasabi ko but hindi ko gagawin, kong sumuntok man ako, pahaginglamang, di ko pinatattama. (LAUGHING) Alam mo Nancy, kahit sa mga kapatid na Bangsamoro na Muslim ay pinapayagan din sa Islam ang pagpalo sa anak, kong kinakailangan. Kailangan pwede? halimbawa na pwede na paluin ang anak ay, ipalo sa anak na umabot na ng pitong taon gulang at kapag sinabihan mo na magsambayang (salaah) at hindi sumunod, pwede na yun ipalo, kong kinakailangan, katulad din yan sa mga Kristiyano. Reminders nga pala, dapat hindi ka galit, sa mga oras na yaon na papaluin mo ang inyong anak. Pansamantala hanggang dito na lamang muna, sa araw na ito ang ibabahagi natin sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya. Ito ang inyong kumpare o kaibigan na si Kaka Ali, na nagpapaalaala na mahalin at ingatan natin ang ating mga anak dahil sila ay biyaya ng Allah, Diyos o Poong Maykapal. Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi Wabarakatu. NANCY: Ang inyong narinig ay ang tatay anmin dito sa DXUP .. Kaka Alih, maraming salamat Kaka, sa magandang topics nay an, mga kapatid abangan bukas ang iba pang ibabahagi sa inyo ng ating nakaka na segment writer na si Kaka Alih. (EXTRO)
![]() Mga Sarisaring Kaugalian ng mga Pilipino (May 1, 2012-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Nineta Minted) Host/NINETA: “Sadyang maraming magagandang kaugalian nating mga Pilipino na dapat alamin at panatilihin, dahil ito ang nagsisilbing tatak nating bilang Pilipino, subalit mayroon din mga negatibo o dapat baguhin, iyan ang tatalkayin ni Kaka Alih.. Mga Sarisaring Kaugalian ng mga Pilipino” (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya) NINETA: Magandang umaga Kaka Alih.. KAKA ALIH: Magandang umaga din Nits, Assallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh, sa lahat.. (ang kapayapaan sasaatin nawa..) Maraming magagandang kaugalian ang mga Pilipino na magandang panatilihin subalit mayron din mga kaugalian na kinakailangan na linangin o baguhin dahil hindi na angkop sa ating kasalukuyang panahon. Pahayag ng isang reteradong guro: “ Ang mga pinoy parents, give value sa education, tingnan nyo kahit sa kariton lang nakatira o di kaya ay nagtitinda lang ng bituka ng manok sa kalsada, ginagapang pa rin pag-aralin ang mga anak.” Tama kayo diyan Maam, ang siste lang nito ay pag-high school o college na ang bata ay di na ito makapagpapatuloy sa pag-aaral dahil di na kaya ng magulang, lalo na ngayon na patuloy na pagtaas ng mga matrikula o tuition fees sa ating mga paaralan sa bansa. Kulang ang pondo n gating goberno sa pagbibigay suporta sa pagbibigay ng sapat na edukasyon sa ating mga mamamayan, na hikahos sa kabuhayan. Mayroon din akong nabasa na negative naman na kaugalian ng mga Pinoy, na dapat i-reformat o baguhin, dahil may “virus”.. (LAUGHING) what I mean hindi nakakabuti sa pangkalahatan. Ang mga Pinoy kasama na dito ang Bangsamoro, ay pumupunta ng ibang bansa, para doon manilbihan o gamitin ang pinag-aralan. At ito namang mga taga ibayong dagat ang tanging kinukuha ay ang magagaling, halimbawa ay magaling na Doctor, Engineer, planner etc.. ang natira sa atin ay mga medium lang ang kaalaman… NINETA: Pero Kaka Alih, di natin sila gaanong masisi na pumupunta sa ibayong dagat o nag-abroad dahil karampot lang ang suweldo kong dito mo gagamitin ang iyong natapos. KAKA ALIH: Sabagay tama ka diyan, Nits, dapat may ayuda an gating goberno, kong papaano mapataas ang suweldo ng ating mga manggagawa. Heto pa ang isang negative na kaugalian ng mga Pinoy kaya hindi umaasenso. Hindi umaasenso ang mga Pinoy dahil daw puro tsismis o kwentuhan na l ng at kayabangan magaling, pero kapag kaharap na ang boss lalu't mga puti o foreigner ay hindi na makapag-salita.. (LAUGHING) NINETA: Kaka Alih, mayroon pa akong alam, na dapat baguhin, yaong crab mentality o inggit na inggit kapag umaasenso yaong kasama, o kamag-anak. KAKA ALIH: Agree ako diyan. Heto ang isang share ng kaibigan natin: “ …ang Pinoy ay malinis sa bahay, pero he doesn't care, walang pakialam kung marumi ang environment niya... tapon lang ng tapon ng basura kung saan saan. Nagiging masinop lang sa basura kong andiyan ang garbage enforcers..(LAUGHING) Ok Nits, balik tayo sa magagandang kaugalian ng mga Pinoy.. Ang isa sa mga kaugalian at kultura na hanggang ngayon ay umiiral ay ang pagkakabuklod-buklod ng mag-anak o pamilya. Ang mga Pinoy ay mapagmahal sa magulang, ito ang tinatawag nilang close family ties kahit may-asawa na nasa magulang pa rin. NINETA: Teka Ka Kaka Alih para yatang mali, yaong huli mong tinuran, “kahit may-asawa na nasa magulang pa rin.” KAKA ALIH: hahahaha .. tama no? libre na sila.. pero para lang yan sa mga anak na batugan, tamad magtrabaho… Pero Nits, di naman masama ang pagbuklod buklod ng mga mag-anak. Ganito kasi yun Nits, Ang mag-anak o pamilya ang siyang pinakamaliit na yunit ng ating lipunan. Dito nagsisimula ang kaugalian, kultura, at pagpapahalaga ng isang tao. Matibay ang pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino. Labis ang pagpapahalaga natin sa pagsama-sama ng buong pamilya. Kahit may bago ng pamilya ang isang anak, pilit pa rin ng magulang na patitirahin sa kanilang tahanan, gaano man kaliit ang bahay nila. Hanggat maaari ay ayaw ng mga magulang na malayo ang kanilang mga anak sa kanilang piling. Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala. Ang ilan sa mga dahilan kong bakit nagbuklod-buklod ang mga mag-anak ay dahil sa ekonomiya, bakit ikonomiya, ang ibang magulang sila ang bumubuhay sa kanilang mga anak kahit na may pamilya na. Tulad ng sinabi natin kanina, medyo balikan ko lang kasi marami ang tinatamaan. Kong bagong kasal ang kanilang anak ay madalas ay sa kanila nakatira, at kong sakaling magpatayo man ng bahay ang bagong pamilya ay malapit sa bahay dahil kong sakalit-sakali man na magkaproblema ang pamilya ay madali ang pagbibigay ng tulong. Kong minsan sa ilang membro ng pamilya ay iisa lang ang naghahanap buhay, kaya ang negatibong epekto at asahan mo ang hirap ng buhay na kanilang natatamasa. Ang iba pang di magandang epekto nito ay may mga anak na namihasa na at nasanay na nakadepende sa magulang. Ang anak ay din a natutong tumayo sa sarling paa, kaya naman kahit halos pagluluto ay di natutunan. Kaya asahan mo na ang nag-aagawan ng pamumuno sa mga kumunidad ay di man magkapatid ay malapit na magkakamag-anak, at kong minsan ay magkalaban ay mag-aasawa o dili kaya ay mag-ama o mag-ina ang naglalababan sa isang position. Pansamantala hanggang dito na lang muna ang ibabahagi natin Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, sa Lunes…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahagi ni Kaka Alih.. sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya …. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP Teleradyo.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam. NINETA: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid ating alamin at pag-aralan ang ating magagandang kaugalin para sa ating kaunlaran. (Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
![]() ![]() SELEPONO (Mobile phone) (May 3, 2012-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Nineta Minted) (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya) NINETA: Magandang umaga Kaka Alih, KAKA ALIH : Magandang umaga din Nits, Assallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh, sa lahat.. (ang kapayapaan sasaatin nawa..) Kahapon nakatanggap ako ng SMS na ang ibig sabihin ay short message service, o tawag karaniwang ng mga Pilipino, pati ang Bangsamoro ay text. Alam mo ang natanggap ko? “Ma, ito ang bago kong number, nadisgrasya kami, dito ako ngayon sa hospital, kaya loadan mo ako ng 300 last text ko na ito” Hahaha tinatawagan ko di man sumagot.. akala niya ako maloloko ako..(LAUGHING)) Ang mobile phone o celpon, subalit naghanap ako ng pamalit na tawag sa Pilipino, maaring tawaging selepono, Ang gadget na ito, na selepono ang pinaka-latest na personal na property na mabibilang na kinahuhumalingan ng mga Pinoy, pati ng mga Bangsamoro. Halos lahat ng pamilya ay mayroon nito, o at least isa sa membro ng pamilya ay mayroon nito. Lalo na sa ngayon na ang lumang modelo na celpon ay nagkakahalga lamang ng isang kalahating sako ng bigas at pwede ka ng magload ng singhalaga na rin ng kalahating kilong bigas. Usong-uso ngayon ang selepono, wala ka na yatang hindi makikitang walang hawak na selepono. May antique o unang version at ito ng mga upgraded na mobile phones o celpons.. Para kasing hindi na mabubuhay ang tao kung walang celpon. At Halos yata buwan-buwan naman ay nagbabago omay lumalabas na mga model ng mga celpon na ito, pero kapag nagbabago syempre lalong mahal ang presyo, at nagiging mura naman ang dating model, kaya ako? hinihintay ko muna na maluma ang unang model at saka ako bumibili, kong may pambili. (LAUGHING) Lahat yata ay gagawin natin, magkaroon lang kahit anong klaseng selepono/celpon kahit yung may sungay (PLAY LAUGHING). NENITA: Kaka Ano yung selepono na may sungay? KAKA ALIH: eh di yung favorite ni Lola, ang original na Nokia 5110 (LAUGHING) Para naman sa akin ang gusto ko ngayon na sana may magregalo sa akin kahit second hand lang, yung may camera na 12 megapixel, na touch screen, pwede sa WIFI, may GPS signal, etc. NENITA:Ay naku Kaka ang dami mo nang sinabi na hindi ko na naintindihan, may WiFI may GPS.. mayroon na bang selepono ngayon na may tire at pwedeng duon na lang sumakay.. (LAUGHING). KAKA ALIH: Hahahaha.. kahit ako ang dami ko ding alam, sa mga bagong feature o mapag-gamitan ng mga bagong seleponona ito. Anyway ang alam ko sa WIFI pwede kang magfacebook, o pwede kang mag-internet, ang GPS naman ay global positioning system, pwede mong malaman saan ka sa lupalop ng mundong ito, may mapa ito siya na nakakakontak sa mga satellite na nasa itaas ng langit. Pero hindi alam ng karamihan na may disadvantages ang pag-gamit ng mga bagong gadget na ito. Especially sa mga kabataang madalas na gumagamit ng celfone. Minsan kung ano-ano ang pinaggagagawa nila kapag hawak nila ito. Merong nagdodownload ng kung ano-ano. Tulad haimbawa na lamang ng mga pornographic videos at kung ano-ano pang malalaswang bagay. Naaadict na yata ang mga kabataan dito, anong kabataan lang pati na rin ang mga teenigulang. Kapag nakapagdownload na ng ..balank—blank...eh ipapasa kung kani-kanino,.syempre nagkakasundo-sundo sila sa mga pinaggagagawa nilang kabulastugan. In ka daw, kung merong Bluetooth ang inyong selepono o kaya naman may infrared. Kung meron ka nito ay makakapagpasa ka na o kaya’y ikaw ang papasahan ng mga nakaimbak sa kanilang selepono. Mobile phone or cell phone/celpon/selepono ay isang bagay na pwede mong makakausap ang nasa malayo, ayon sa http://en.wikipedia.org “……..is a long-range, portable electronic device used for mobile communication. In addition to the standard voice function of a telephone, current mobile phones can support many additional services such as SMS for text messaging, email, packet switching for access to the Internet, and MMS for sending and receiving photos and video. Most current mobile phones connect to a cellular network of base stations (cell sites), which is in turn interconnected to the public switched telephone network (PSTN) (the exception is satellite phones)”. Ang mobile phone ay kailangan ang Subscriber Identity Module (SIM) ito ang number mo o bilang ID mo na pagkilala sa iyo, at ito ay binibili o kasama sa binibili nating celphone. Ang SIM ay hindi magagamit kong walang load, o pondo na pera sa kumpaniyang nag-seserbisyo na may cell sites. Ang cell sites ang nagsisilbing, base station ng mga celpon, at kadalasan hanggang 5 -8 kilometro o mahigit ang naabot ng signal ng cell sites, depende sa lugar, kong patag o bulubundukin. Dito sa bayan ng Upi dalawa ang kumpaniya at may cell sites na nagseserbisyo sa mga celpon, ang globe at ang smart. Ang mga simpack ay may anim na klase dito sa atin, ang cell site niya ang Globe ay ang Touch mobile at Globe simpack, samantala ang Talk & Text, smart at red mobile, ang cell site niya ang Smart at nitong huli ay ang sun may signal na dahil nabili na ng smart company.. Kadalasan ay dalawa ang alam natin na serbisyo ng cellphone, tawag at Short Message Service (SMS)o mas lalong kilala sa text. Ngunit sa ngayon ay pati mukha mo ay pwede mo ng ipadala sa pamamgitanng Multimedia Messaging Service (MMS) at maari mo pang makita ang kausap mo sa kabilang cellphone. Pwede na rin sa instant messaging (IM) “…is a form of real-time communication between two or more people based on typed text. The text is conveyed via computers connected over a network such as the Internet.” Pwede na rin ngayon ang mag-usap kayo sa skype, o magchat sa inyong facebook…ang dami na di ko pa nalaman, at baka kayo ang nakakaalam na. Isa sa magastos na pag-aari ng Pinoy ang cell phone, dahil ang clpon pag walang pondo na pera o load ay hindi mo ito magagamit na pangtawag o pang text, bagamat pwede kang tawagan. Ngunit pag umabot sa takdang panahon na ni hindi mo ito na-activate sa pamamagitan ng pag-load dito ay isasara ng kumpaniya ang serbisyo nito at hindi mo na magagamit o matawag man lamang, kaya kailangan mo ng magpalit ng simpak, at bawat simpak ay magkakaiba ang numero at pag di mo alam ang numero o mali ang numerong tatawagan mo ay hindi mo matatawagan ang gusto mong tawagan. Ang celpon ang matatawag na technology na maraming naitulong sa atin, pwede kang magtext sa halagang piso o mas mababa pa, sa ano mang oras na naisin mo, o tumawag, sa halanga 6.50-8.00 bawat minuto,o sa todo call ay 15 piso sa 15 minuto, kong TM to TM. Tamang paggamit ng cell phone na sinulat ni Dr. Willie T. Ong an g ating kaibigan sa panulat. Ayon kay Dr, kamakailan ay nagsabi ang World Health Organization (WHO) na posibleng magdulot ng kanser sa utak ang madalas na paggamit ng cell phone. Ngunit hindi pa ito 100% kumpirmado. Ganunpaman, walang masama kung tayo ay mag-iingat sa paggamit ng cell phone. Ayon sa isang pagsusuri (Interphone Study), ang matagalang paggamit ng cell phone ay posibleng makapagdulot ng brain tumor (bukol sa utak). Sa mga taong gumamit ng cell phone ng lampas 10 taon, mas marami ang nagkakaroon ng brain tumor (kanser sa utak) sa lugar na madalas pinaggagamitan ng cell phone. Mayroong kasing signal o radiofrequency radiation ang mga cell phones. Katulad ng mga medical test na MRI o CT Scan, mataas ito sa radiation at puwedeng makapagdulot ng kanser. Mas mababa naman ang radiation ng cell phone. Kaya lang, madalas natin itong ginagamit at malapit pa masyado sa ating utak. Para makapag-ingat tayo, heto ang mga payo ni Dr. David Servan-Schreiber, isang dating director ng Center of Integrative Medicine sa University of Pittsburgh: 1) Huwag pagamitin ng cell phone ang mga batang 12 edad pababa. Mas sensitibo ang utak ng mga bata kaysa matanda. 2) Ilagay sa speaker-phone mode ang iyong cell phone o gumamit na lang ng ear phone. Ito’y para mailayo sa katawan natin ang cell phone. 3) Huwag lumapit sa isang taong gumagamit ng cell phone. 4) Huwag matulog na kasama ang cell phone. Huwag ilagay sa ilalim ng unan. Huwag din itong palaging dalhin sa bulsa. Kahit naka-standby mode, may radiation pa rin iyan.5) Kung kailangan mong dalhin ang cell phone, iharap ang keypad sa iyong katawan. Mas mataas kasi ang radiation sa likod ng phone dahil sa antenna device. 6) Limitahan sa 3-5 minuto lang ang pag-uusap sa cell phone. Gumamit na lang ng landline. Ang cordless o wireless phone ay may radiation din. 7) Mag-text na lang, para mas malayo ang cell phone sa utak natin. 8) Ilipat-lipat ang paggamit sa cell phone. Minsan sa kanang tainga, minsan sa kaliwa. 9) Huwag mag-cell phone kung mahina ang signal, tulad ng kung kayo ay nasa sasak-yan. Ito’y dahil kusang pinapa-lakas ng cell phone ang radiation niya para hindi mawala ang signal. 10) Pumili ng cell phone model na mababa ang SAR (specific absorption rate). I-check ito sa internet. Ito ang sukat ng magnetic field ng cell phone na ma-a-absorb ng ating katawan. Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi Wabarakatu. NINETA: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid matuto tayong sumunod sa batas, para sa ating kaunlaran. (Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Bakit Hindi Nag-kakasundo ang mga Tao? ![]() (May 1, 2012-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Nineta Minted) Host/Nineta: “Matanong kita kaibigan bakit kong minsan hindi nagkakasundo ang mga tao? Kong minsan pa nga, nag-away-away pa nga na humantong sa patayan? bakit nga ba Kaibigan ? Iyan ang sasagutin sa atin ni Kaka Alih sa ating segment na: (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya) NINETA: Magandang umaga Kaka Alih, KAKA ALIH : Magandang umaga din Nits, Assallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh, sa lahat.. (ang kapayapaan sasaatin nawa..) Ang tanong mo kanina Nits ay, bakit hindi nagkakasundo sundo ang mga tao? Kong minsan pa nga, nag-away-away pa nga na humantong sa patayan? bakit nga ba Kaibigan ? “Ah na Kaka Ali, maraming dahilan bakit nag-away away o hindi nagkakasundo ang mga tao dito sa mundo.” Paliwanag kaagad ng isang sa ating kumpare, ng itanong natin ang ganitong mga tanong.. .buweno Kapatid na nakikinig .ituloy natin ang ktalakayan sa tanong mo.. Kaibigan ang sabi ng aking kaibigan na Pastor, ang away na ito ay nag-ugat pa sa mga unang taong nilikha ng Diyos, sa mga anak ni Adan at ni Eba, sinimulan ito na ina Abel at ni Cain. Heto para sa hindi nakakabatid sa kuwento ni Cain at Abel sa Bibliya. Kapatid ito yung kuwento ng dalawang magkapatid na parehong sumasamba sa Diyos o parehong relihiyoso. Ayon Bibliya, mas pinapaboran ang mga handog na sakripisyong hayop ni Abel kaysa sa mga alay na tanim ni Cain. Dahil dito, nagselos si Cain kay Abel at pinatay ito. Nalaman ito ng Diyos at pinalayas si Cain sa Hardin ng Eden. Dalawang magkapatid, nagselos yung isa at selos na matindi para makuha niyang patayin ang kanyang kapatid. May hailimbawa ako kaibigan na nangyari sa kasalukuyang panahon, ang Ramgen Revilla case. Maalaalaala ninyo di ba ayon sa sinumpaang salaysay na sinumite ng abogado ni Janelle Manahan, ang nakaligtas na kasintahan ni Ramgen Revilla nung siya’y pinatay, matinding away ng mga magkakapatid ang maaaring dahilan kung bakit pinatay si Ramgen. May mga okasyon daw na pisikal na nananakit si Ramgen sa kanyang mga nakakabatang mga kapatid, kahit mga babae pa ito. May tsimis pa na nanutok pa raw ng baril, at nanakal. Istrikto raw kasi si Ramgen, kaya ganun ang kanyang mga pamamaraan para disiplinahin ang kanyang mga kapatid. May kinalaman din daw ang pera sa away ng magkakapatid. Ang ibang dahilan na siya ngayong ang uso, na dahilan kong bakit hindi nagkakasundo kahit magkakapatid omagkakamag-anak. Ang pulitica (LAUGHING) Yes, politics ito ang madalas na dahilan, politika o politics. Ito pa ang isang dahilan, karapatan sa lupang ninuno o ang ancestral domain. Sa R’nawon at T’duray ay tinatawag nilang pusaka. Tulad halimbawa sa ngayon, ang Bangsamoro ancestral domain, ang IP’s Ancestral domain, nunti unti ng nawawala sa kanila, kaya dapat na maibalik na sa kanila ang pamamahala sa kanilang lupang ninuno. Katunayan nga kahit konting bahagi lamang ng lupa, kahit na daw yaong mohon lang o pananda ng lupa at inilipat ng isang hakbang lamang, ay pinag-aawayan na yan ng magkakamag-anak. Kong minsan magkapatid pa nga. Dahil marahil sa dumami ang tao at kinukulang ang lugar na dapat nating tirahan, kaya sigoro dapat ng isulong ng mababatas ang RH o reproductive Health Bill? (LAUGHING) Karapatang pangtao o human rights, isa ito sa mga matinding mga dahilan kong bakit mga nag-away-away ang mga tao sa ngayon: Ayon naman kay Atty Rolando “Anwar” Chew, maraming dahilan ang nagiging dahilan ng mga di pinagkakasunduan ng mga tao: “… ito ay dahil sa kulang sa kaalaman sa kanilang karapatan;” Papaano lulutasin ang mga ganitong problema, na nag-away away o hindi nagkakasundo ang mga tao? Ang solusyon sa mga ganitong problema; Sa problema sa pulitika kinakailangan ang pairalin ang tunay na pulitika, wlang dayaan, matuto tayong sumunod sa itinakda ng batas, huwag ng palitan ang mga nakuhang botante ng kandidato, at kong minsan kong sino ang maliit ang boto ay siya pa ang naproklem. Ayon naman kay Atty Rolando Anwar Chew, isang abogadong Muslim sa Upi, Ang sulosyon sa ganitong problema ay, alamin mo ang inyong karapatan ayon sa nakasaad sa batas. Ang sabi naman ni Ustadz Faizal Dacungan sa ating interview by phone ay ang paniniwala sa Poong Maykapal o Diyos ang pinaka-solusyon sa ganitong problema, ang buhay ng tao ay pinahahalagaan ng Allah o Diyos tayo pa kayang tao? Kong ikaw ay isang Kristiyano, sundin mo inyong Biblia at kong ikaw naman ay Muslim o nanampalataya sa Islam, sundin ang Sunnah at Qur’an. Para sa Gabay at Talakayang Pampamilya, ito ang inyong Kaka Ali, ang inyong segment writer , na naniniwala na ang may paniniwala sa Poong Lumikha, ay mahirap makumbinsi ni Shaitan o Satanas na gumawa ng masama, sapagkat ang Shaitan ang naguudyok sa tao na gumawa ng masama, kaya itakwil natin ang Shaitan o si Satanas. Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi Wabarakatu. NINETA: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid matuto tayong sumunod sa batas, para sa ating kaunlaran. (Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
![]() ![]() Edgar “BACCARAT” Valdez, the 8th national president year 1994. From REACT Sultan group, in Tacurong City, Sultan Kudarat province. During Baccarat’s term his thrust was to bring about a leadership most responsive to the needs, aspirations and problems of the members. A vital step in this direction was the creation of programs that would directly benefit the community, the Organization and the general membership. One plan was for the Groups to plant gmelina trees that could be harvested and sold for huge profits after three to five years. Mortuary aid checks were officially issued for the first time January 1, 1994. For the second straight year, REACT was the PolioPlus communication arm but it was only in this year 1994 when the organization earned its fair and much-deserved share of media and public recognition for the effort. It was the only local civic radio group among seven worldwide organizations awarded at the Heroes’ Hall in Malacañang. REACT was still is the only non-governmental organization sitting as a member of the national panel of judges in the as annual Clean & Green Presidential Award. Chartered groups during Baccarat terms were: Golden Cowry group in far-off Guiuan, Guihulngan, Eastern Samar and the Mactan Group in Lapulapu City, bringing the total number of chartered groups to 130. The Sandugo Group based in San Jose Occidental Mindoro, was chartered on June 5,1994 Bulusan, another group created in the fertile Bicol Region, was organized in Sorsogon as the seventh Group in the region and the 132nd REACT Group nationwide.
![]() REACT Philippines, Inc. Celebrates its 30th Founding Anniversary Alih “Mamayog” Anso Davao City (April 28, 2012).. Regional Emergency Assistance Communication Team (REACT) Philippines, Inc celebrated its 30th founding anniversary, in Apo View hotel, Davao City. Hosted by REACT Midland Group, of Midsayap, Cotabato. Enedina “Enzyme’ Cacabelos of Midland group, as convention chairperson confirmed that 307 10-419 (members) delegates from different REACT groups of the country were presents. ![]() ![]() REACT Philippines, Inc. based in Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City was duly registered with the Securities and Exchange Commission in 1982 under the close supervision of the civil Relations Service of the Armed Forces of the Philippines. REACT organized during the summer of 1979 by a small group of businessmen from Metro Manila and Central Luzon met to organize a team from the Task force Maharlika, a civilian volunteer organization then under the Office of Civil Relations-Philippine Information and Civic Action Group (PHILCAG) of the AFP. Civilian and soldiers so often found themselves together in relief and rescue operations that pooling their efforts under one team was a logical step. On the recommendation of then Col. Honesto M. Isleta, then Deputy Chief of the newly organized AFP Civil Relations Service, then CRS Chief Brig. Gen. Alexander L. Felix gave the green light for the information of an emergency communications team largely composed of civilian volunteers. One of the founding fathers, businessman Manuel “Woodpecker” G. Maglaque, became the first REACT Group Chief on March 21, 1980. REACT-NCR became the first REACT region followed by Regions I, III, VI and VII. ![]() On June 23, 1982, REACT Articles of Incorporation was approved by the Securities and Exchange Commission. The first National Convention drew 200 delegates to the Covelandia Resort in Cavite. There, Woodpecker was elected as the first REACT National President. REACT Philippines, Inc. become the largest Radio Civic Organization aiding our government in the national and local levels, and our people in times of emergencies and calamities. It has also helped deliver programs in public safety, public-order, environmental, and other community development activities through the rapid gathering and dissemination of information throughout the country.
Halal na Pag-kain
(April 26, 2012-Huwebes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –Nancy Lawan) NANCY: Kaibigan, alam mo ba ang ibig sabihin ng Haram na Pag-kain. Ng Halal na pagkain? If yes or no ang inyong sagot, samahan kami ni Kaka Alih sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya. (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya) NANCY: Magandang umaga Kaka Alih, KAKA ALIH : Magandang umaga din Kapatid na Noralyn, assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaatin Nawa) sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim. Dahil Huwebes ngayon, kalusugan o panganganlaga sa katawan ang mga topics natin, heto na nga ang pag-uusapan natin ang mga pagkain na makakasama at makakabuti sa ating katawan, medyo uynique nga lamang dahil sa perspektibo o sa pananaw ng Islam. Sa panahon ngayon, marami na ang naglalagay ng mga “karatula” o nakapaskil na sulat sa kani-kanilang mga restaurant o karenderia ng salitang Halal. Maging sa mga paninda ay may nakatatak na halal. Ang layunin marahil nila ay upang hikayatin ang kanilang mga customers na Muslim. Napansin mo ba ito Nancy? NANCY: Napansin ko na rin yan Kaka Ali, kahit dito sa ating bayang Upi, may mga tindahan o karenderia na nakatatak sa tindahan o paninda nilang pagkain na “Halal”. KAKA ALIH: Tama ka diyan Nancy, ang tanong ko sa kanila, a maganda sigoro itanong ko sa iyo “ano ang pag-kakaintindi mo sa Halal? NANCY: Walang halong karneng baboy Kaka Alih. KAKA ALIH: Tama ka diyan Nancy, subalit kahit walang halong karne, langis o dugo ng baboy ay pwedeng maging Haram din. NANCY: Ha? Papaano yun nangyayari Kaka? Akala ko basta walang baboy Halal na ang pagkain. KAKA ALIH: Buweno Nancy, ipapaliwanag ko sa inyo at sa madlang nanonood at nakikinig.. Ang halal ay pinahihintulutan o pinapayagan o yaong pwedeng kainin ng Muslim. Ayon sa Quran, ang lahat ng malinis na pagkain ay Halal, sa katunayan halos lahat ng mula sa dagat, tanim at hayop ay nabibilang sa Halal maliban lamang sa mga tinukoy ng Quran. Ang tanong ay: “Anong parte ng halal na hayop ang hindi dapat kainin ng Muslim? Ang sagot ay: “Ayon sa Hanafi school of thoughts ay 22 ang di dapat kainin sa halal na kinatay na hayop: halimbawa ay ang guts, intestines o tinae, bladder o bahay tubig, ari ng hayop, daluyan ng dumi, dugo, semilia, ang taba, balat, anak na nabuo na at iba pa.” Alam ba ninyo na sa mga kultura ng mga Bangsamoro na Muslim ang mga tinae, balat ng kinatay na halal na hayop ay haram at ito naman ay naayon sa katuruan ng Islam. Ano naman ang ibig sabihin ng salitang Haram? Ang Haram means - ipinagbabawal o yaong hindi pinapayagang kainin. Ang ilan sa binanggit ng Quran na Haram na pagkain ay ang Halal na hayop na hindi nakatay ayon sa Islam, dugo, baboy, mga hayop na inialay sa mga Bathala at mga nakakalasing na inumin. Kasama din dito ang mga hayop, ibon na carnivorous at ano mang pagkain na nahaluan ng Haram. Ang mga hayop na nakatira sa lupa ay ipinahihintulot kainin maliban sa ilang uri na ipinagbawal ng Islam at ang mga ito ay ang mga sumusunod: 1. Ang asno na inaalagaan, 2. Ang anumang hayop na may pangil na ginagamit nito sa pagsila, maliban sa hyena. 3. Ang mga ibon, maliban sa mga sumusunod: a) Ang mga ibon na may kukong ipinandadagit o ipinansisila. Nagsabi si Ibnu ‘Abbas (RA): “Ipinagbawal ng Sugo ng Allah (SAS) ang lahat ng may pangil na mabangis na hayop at ang lahat ng ibong may kukong ipinaninila.” b) Ang mga ibong kumakain ng patay gaya ng agila, buwitre, uwak, at lawin dahil sa dumi ng kinakain ng mga ito. 4. Ipinagbabawal din ang mga hayop na nakapandidiri tulad ng ahas, daga, at mga kulisap (maliban sa balang at tipaklong). 5. Ang pagkain Haram pag kinain mo ito ay magkakasala ka sa Allah at tiyak na may karampatang parusa mula sa Allah. Mayroon pang katuruan sa Islam, na kong pwede ay di dapat kainin ng mga Muslim ito ang atinatawag na Makrooh. NANCY: Ano naman ang ibig sabin naman ng Makrooh Kaka Alih ? KAKA ALIH: Ang Makrooh ay pagkain na hindi kanais-nais o yaong pinaiiwasan. Ito ang pagkain na pinaiiwasan ng Allah at ni Propeta Muhammad dahil maaring makasira sa tao, o dahil mapanganib. Alam mo ba Nancy na may pagkain din na tinatawag na Mashbooh, na ang ibig sabihin ay nagdadalawang isip ka o yaong hindi sigurado ang pinamulan kong ito ay hindi nahaluan ng Haram o wala. Ang katuruan ng Islam dito ay ang Makrooh at Mahbooh, pag kinain mo ay wala kang kaparusahan, ngunit pag iniwasan mo ito ay may Balas o reward kang tatanggapin mula sa Allah. Inatasan ng Allah ang Kanyang mga lingkod na kumain ng mga pagkaing nakabubuti at ipinagbawal Niya sa kanila ang mga pagkaing nakasasama. Sinasabi Niya (2:172): "O mga mananampalataya, kumain kayo ng mga nakabubuti na itinustos Namin sa inyo.…" May halimbawa ako sa mga makroh. Makroh ang pagkain ng hilaw na sibuyas, bawang, at anumang tulad nito na may masamang amoy lalo na kung papasok sa Masjid. Ang sinumang mapipilitang kumain ng pagkaing Haram (ipinagbawal), dahil ikapipinsala ang hindi pagkain nito, ay pinahihintulutang kumain ng makasasapat lamang upang manatiling buhay. Ang nakalalason ay hindi maaaring kainin kailanman. Ang sinumang mapadaan sa isang taniman at namitas ng bunga sa puno nito o namulot ng nalaglag na bunga at walang anumang bakod na nakapaligid sa pataniman at wala ring nagbabantay; ipinahihintulot sa kanya na kainin ang nasabing bunga ngunit hindi siya magdadala, hindi aakyat sa puno, hindi mambabato ni manunungkit ng bunga, at hindi kakain sa mga nakatipon o nakatumpok na bunga maliban na lamang kung kinakailangan. Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya .. Sukran and Wassallam. NANCY: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid isa naman kaalaman, para sa ating mga Nanay, na nagluluito ng mga pagkain, lalo na sa mga may karenderia, na huwag natin abusuhin ang pag-gamit ng word na Halal, dahil ito ay may inclination sa paniniwala ng mga Kapatid na Muslim, o mga kapatid na nanampalataya sa Isxlam. (Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Kanduri (April 20 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual) Host/ Noralyn: “Nakapunta ka na ba sa isang kanduri ng ating mga kapatid na Iranun, T’duray, Maguindanawon o Meranaw? Kong negative pa o positive na, never mind, makinig lang kay Kaka Ali, dahil ipapaliwang sa atin ano itong ang Kanduri na sinsabi natin ” (PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya”.) Host/Noralyn: “Good morning Kaka Alih.” Kaka Alih: Good morning Noralyn, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid sa Pananampalatayang Islam. Kanduri ang tamang pronounciation kong Iranun version, at kong Maguindanaon at sa Teduray ay pronounced na Kanduli, ang ibig sabihin ay pasasalamat (thanksgiving) sa Poong Lumikha (Diyos). Ang kanduri o kanduli ay bahagi na ng kultura ng mga Bangsamoro na Iranun, T’duray, Maguindanawon, Meranaw atg iba pang tribu. Madalas na kasabay ng kanduri ay pagana o kapagana (feast), halos pareho ang dalawang adat-betad (custom and tradition) ng mga Bangsamoro. Parehong pagpapakain sa mga panauhin ang kaibhan lamang ay ang Niyat (layunin). Ang kanduri ay maaring isinasagawa dahil may hinihiling sa Allah, sa Poong Lumikha o nagpapasalamat sa mga biyayang nakamtan. Ang Pagana (feast) naman ay pagpapakain sa mga inaanyayahang mga panauhin bilang bahagi ng pagsasaya dahil sa mga nakamtan na tagumpay. Ang madalas, ang pagana ay kanduli na ring matatawag. Kung minsan kapag may pagana ay nagkakanduli na rin. Ang kanduri o pagana ay parehong, ang mga pagkain ay inilalagay sa talam o bandihaw (big food tray, talam made of brass and bandihaw made of tin). Nasa gitna ang kanin na nakalagay sa plato, at napapalibutan ng pitong platito kong saan nakalagay ang pitong klaseng ulam. Tinatakpan ang talam ng tudong (food cover) na gawa sa dahon ng anahaw, niyog o nipa. Ang madalas o ang paborito na nakalagay na manga ulam ay manok, sinina (lutong karneng kambing o baka) pansit, bihon, itlog, monggo, at iba pang masasarap na lutong Bangsamoro. Sa ganitong mga okasyon, asahan mong may ihahain na minatamis na lutong Bangsamoro tulad ng dudol, tinadtag, amik, kumukunsi, tipas, balubed at iba pa. May kuwento akong medyo nakakatawa, ganito ang kuwento: “Na, mahirap maging Muslim”. Bakit? ang tanong ko agad sa isang nagkukuwentong kaibigan na Kristiyano, na wala pang gaanong kaalaman sa kultura, kaugalian at pananampalataya ng mga kapatid na Bangsamoro. Pakinggan natin ang karugtong ng kuwento ng ating Kapatid na Kristiyano. “Inimbita kami sa isang Kanduli, naku ang sarap ng mga luto at ang gaganda ng mga pandala (decoration) ng kanilang bahay, pati ang lalagyan ng pagkain ay may decoration, na nakapatong sa sahig na nilagyan ng ikam (floor mat) na may magaganda din desinyo. At Habang kami ay kumakain ay may nag-iikot na mama at bawat isa sa bisita ay binigyan ng pera. At ang tawag daw dito ay sadka (charity) at alam mo Kaka Ali? ng umuwi na kami, may nakabalot pa na minatamis na mga pagkain, na tinawag naman nilang “bring home”. Kaya Kaka Alih, nasabi ko sa aking sarili, di ko kayang mag-Muslim, pinakain na kami, binayaran pa kami at binigyan pa kami ng baun.” Paliwanag ng ating kumpare. (LAUGHING) Alam mo kaibigan, bahagi na yang aming kultura at ang pag-aakala ng iba ay ang kanduli ay isang rituwal na bahagi ng katuruan ng Islam. Kung papaano ginagawa ng mga Bangsamoro ang kanduri noon at ngayon ito ay nabibilang sa kanilang kultura at kaugalian, hindi sa Islam. Kung sakali mang may bahagi ng pananampalataya ng Islam ay maliit na bahagi lamang. Dapat nating malaman Kapatid, na hindi lahat ng kultura at kaugalian o ginagawa ng mga Bangsamoro Muslim ay katuruan ng Islam. Tama na ang sinasabi nila na ang kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro ay hinalaw o hinango sa katuruan ng Islam, ngunit hindi nangangahulugan na ito ay bahagi ng Islam. Ang Banal na Aklat, ang Quran ang unang batayan ng katuruan ng Islam ay nagsabi na ang pagdagdag at paglalabis sa Gawain o katuruan ng Islam ay tinaatawag na Bid’ah (innovation). at ang lahat ng bid’ah ay pagkaligaw. "O sangkatauhan, matakot kayo kay Allah at sabihin (tuwina) ang katotohanan. Papatnu- bayan Niya kayo sa mga mabubuting gawa at patawarin Niya kayo sa inyong mga kasalanan . At ang sinumang sumunod kay Allah at sa kanyang Sugo, tunay na kanya nang natamo ang dakilang tagumpay. (Qur'an 33:70-71) Alamin, na ang pinakamakatotohanang salita, ay ang Aklat ng Allah (Ang Banal na Qur'an) at ang pinaka mabuting patnubay ay ang patnubay ni Muhammad (sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan). Ang pinakamasama sa lahat ay ang mga gawa-gawa (na lihis sa tunay na aral ng Islam) at ang bawat gawa-gawa (na mga bagay tungkol sa relihiyon) ay bid'ah at ang bawat bid'ah ay pagkakaligaw at ang bawat pagka kaligaw ay Impyerno ang hantungan. Kahit anupaman, ang bawat tao na gumagawa (umiimbento) ng pagbabago (sa religion) at kanyang iniisip na siya ay napapalapit kay Allah sa pamamagitan nito – maging ito man ay sa paniniwala, sa gawa at sa salita – katunayan siya ay naligaw. Ito ay ayon sa kasabihan ng Propeta Muhammad SAW. “Mag ingat sa mga bagong bagay (sa relihiyon), sapagkat ang lahat ng pagbabago (o pag-iimbento) sa relihiyon ay bid’ah, at ang lahat ng bid’ah ay pagkaligaw, ang lahat ng pagkaligaw ay mauuwi sa Apoy. [Hadith-Abu Daawood, Tirmidhee; Saheeh). Ang pagpapakain, pamimigay ng regalo at pagmamagandang loob sa kapuwa ay isang gawain na iniuutos ng Allah o katuruan ng Islam. At ang Kanduli ay napapaloob dito ang tatlong nabanggit ngunit hindi nangangahulugan na ito ay isa sa kautusan ng Allah. Ang Kanduli ay bahagi ng kulyura at kaugalian, sa ibang Muslim sa ibang parte ng mundo ay hindi nagkakanduli. Bagamat hindi bahagi ng Islam ang kanduli, ito ay patuloy na ginagawa ng mga Bangsamoro Muslim, dahil isa itong maituturing na kultura at kaugalian na hindi sumasalungat sa Islam, ngunit alalahanin palagi na ito ay hindi ipinag-uutos ng Allah sa mga Muslim, ito ay bahagi ng kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro. Ito ang inyong kapatid na Iranun na Bangsamoro, at inyong segment writer sa Gabay at Talakayang Pampamilya.. Kaka Ali, Wassallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh. Noralyn: Maramaing salamat Kaka, sa napakagandang kaalaman na yan, na iyong ibinahagi, kaya mga giliw naming tagapakinig, abangan bukas ang segment ni ni Kaka Ali na Gabay at Talakayang Pampamilya, dahil tiyak marami kayong mapupulot na aral at impormasyon. (EXTRO)
Alih S. Anso Nuro, Upi (April 18, 2012) May mga bago na naman schedule ng power curtailment sa anim na feeder ng Maguindanao Electric Cooperative (MAGELCO) at sa District 11, na sakop ang bayan ng Upi, South Upi at Barangay Labungan, Datu Odin Sinsuat. Mula ika 9 ng umaga hanggang alas onse, mauulit sa alas sais hanggang alas syete ng gabi at mauulit sa alas nuwebe hanggang alas diyes ng gabi. Sa phone interview kay Engr. Longgagakit ng Maguindanao Electric Cooperative (MAGELCO) ay pinaliwanag nito na ang power curtailment na pinapatupad ng cooperative ay bilang pagsunod sa memorandum ng National Grid Corporation of the Philippines at National Power Corporation. Ang dahilan ng power curtailment ay dahil sa inaayos ang isang planta ng Pulangi power plant, sa Bukidnon.
![]() Kaya ba nating Pagyamanin ang ating Kalikasan? (April 11, 2012- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual) Host/Noralyn: At dahil Wednesday ngayon bantay kalikasan tayo, bubuksan natin ang ating segment na gabay at talakayang pampamilya sa mga tanong na: Paano nga ba mapangangalagaan ang kalikasan? Paano ito mas mapagyayaman? At pwed e rin kayong magtanong at baka masagot ng ating segment writer at presenter na si Kaka Alih. (Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO) Host/Noralyn: “Good morning Kaka Alih.” Kaka Alih: Good morning Noralyn, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid sa Pananampalatayang Islam. Kung kalikasan lamang ang pag-uusapan tiyak hindi tayo mahuhuli kumpara sa ibang bansa, bakit? Sapagkat madami tayong mga maipag mamalaking mga magagandang tanawin, national park, andiyan ang underground river ng Puerto Princesa, Palawan, na isa 7 wonders of the world, dito sa Upi, mayroon din tayong magagandang tanawin at kapaligiran, kinakailangan lamang pagyamanin. Ang tanong nga lamang ay Papaano? “Kaka Alih, sang-ayon sa sinasabi ninyo sa radio na Pangalagaan natin ito at pagyamanin.” Text ng isang tagapaginig. Tama ka may friend, dahil ang iba walang pakialam! at hindi basta walang pakiaalam kundi sinisira pa ang kalikasan!. Halimbawa nito tay sa ating kagubatan, pumuputol sila ng sangkatutak na kahoy na di naman pinapalitan, at sa ating yamang tubig, halimbawa na lamang ng ilog natin sa Matuber, di ngayonilog kundi creek na lamang. . Dati rati napakalalim at napakalinaw ang tubig, ngayon? Wala na , matatawag pa bang kalikasan ito kaibigan? “Kaka Alih maari naman natin pangalagaan ang ating kalikasan kahit sa simpleng paraan lamang” payo ni Maam. Papaano?, “Itapon ang basura sa tamang basurahan at kung puputol na puno ay agad palitan, sa pagtatanim ng isa pang puno.” Dagdag ni maam. Mayroon naman tayong makakatuwang. Ito ay ang DENR o Department of Environment and Natural Resources na isang ahensya ng pamahalaan na itinalaga upang pangalagaan ang ating kalikasan. Ang hangad lang sana natin tumupad naman sa tungkulin ang “forest guard” o mga ahente ng goberno, ng buong puso at walang pag-iimbot, hindi yaong sial mismo ang pasimuno sa pagpapaabili sa mga seedlings. Alam ba ninyong ang kalikasan ang pangunahing pinagkukunan ng ating mga pangangailangan? Saan tayo kumukuha ng pagpapatayo ng ating mga tahanan? Di ba sa kabundukan, sa mga puno natin kinukuha ang iba nating pangangailan. At di lang tao ang nangangailangan ng tubig at mga puno, pati hayop at sa iba pang nilalang ng Diyos, tiyak mamatay sila, kasama tayong tao dahil kailangan ng ating katawan ang tubig. Hindi tayo mabubuhay ng walang tubig. Nilikha ng Diyos ang tubig para sa tao at kanyang mga nilikha. Ngunit ang masaklap nito ay walang nakakaalam kung saan nang-gagaling ang tubig. Ang alam natin ito’y paikot-ikot lang sa mundong ito. Ito’y pumapatak na ulan sa lupa, pagkatapos ay muling nagbabalik sa kalawakan sa paghigop ng init ng araw at sa pamamagitan ng mga halaman. Kaya nararapat lamang na ito'y ating suklian.Hindi bat kaysarap manirahan sa isang kapaligirang mayroong kalikasan? kaya kilos! ako mismo, ikaw mismo! may magagawa...... Sa bayan ng Upi ay mapalad tayo, dahil mayroon tayong mapagkunan ng tubig, ang Romagonrong Falls, at sa kasalukuyan ay may proyekto ang bayan natin na pinadadaloy o pinaagas mula Romagonrong hanggang dito sa Barangay Nuro, upang sa gayon may mainom tayong mga tao of course kasama na diyan ang mga hayop. Kaya katungkulan ng bawat mamayan ang pagpapabuti at pangangalaga ng ating “water system” na itinayo o binuo natin, upang matustusan ang dumaraming mamamayan at ang kanilang pangangailangan sa tubig na inumin. NORALYN: Kaka Alih, paki replay, Bakit kailangan pangalagaan ang tubig? KAKA ALIH: Noralyn, kailangan ang tubig Dahil sadyang mahalaga ang tubig sa kalinisan ng kapaligiran, sa kalusugan ng mga mamamayan at kaligtasan ng bayan. Ganoon din sa pagpatay ng sunog. Paano kung walang dumadaloy na tubig sa gripo o di sapat na tubig? Di lang libo kundi milyon-milyong piso ari-arian ang magiging abo. Bukod pa ang buhay ng tao. Kaya alagaan natin ang pinanggalingan ng ating tubig. Ang isa sa nagpapanatili sa tubig sa ating kabundukan ay ang mga punong kayong, lalo na yaong malalaking punong kahoy. Kaya naman ang ating LGU Upi, ay may mga programa sa pangangalaga ng ating kapaligiran an gating kalikasan. Isa sa components o bahagi nito ay pagtatanim at pangangalaga ng mga punong kahoy sa ating mga watershed area. Halimbawa ng water shed area sa Upi ang nasa Barangay Nangi, sa Romagonrong Falls na ang area ay sakop ng Barangay Nangi at Ganasi sa Upi, kasama na dito ang ilang bahagi ng South Upi tulad ng Barangay Looy at Lamud. Ang lahat ng mga mamamayan ay hinihikayat na pangalagaan ang mga punong kahoy na ito, higit lalo ang mga nasasakop ng mga water shed area na ito. Hindi tayo dapat magputol ng mga puno dito, ang nararapat pa nga ay magtanim tayo dito ng puno. Pangalagaan ang kapaligiran, dahil ito ay pangangalaga din sa susunod na salin lahi. Sukran, ito po ang inyong Kapatid na Bangsa Moro .. Kaka Alih .. Wassallam NORALYN: Maraming Salamat Kaka Alih, na pangangalaga sa ting kaliksan, mga kapatid bukas muling abangan si Kaka Ali sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya, at tinitiyak ko sa inyo na maeenjoy kayo, at maraming mapupulot na aral.. (PLAY-EXTRO- gabay at talakayang pampamilya)
![]() ![]() Ulat sa Bayan Ni Gov Hataman –Mayor Piang Pinarangalan Alih S. Anso Cotabato City (April 16)…Sa unang 100 araw ng Bagong Pamunuan ng ARM M OIC Governor Mujiv Hataman ay kanyang hinimok ang LGU Officials na tigilan na ang pagnanakaw sa kaban ng bayan at tularan ang halimbawa ng mayor ng Upi, na si Mayor Ramon A. Piang Sr. Ang ulat sa bayan ni Hataman na tumagal ng kalahating oras ay ginan ap ika-apat ng hapon kahapon sa harapan ng office of the regional governor ng ARMM na dinaluhan ng mga public officials, NGO’s at mga empleyado. Bukod sa kanyang pamilya, panauhin rin sa pagdiriwang si Political Adviser Secretary Ronaldo Llam ![]() as, Senador Teofisto Guingona III, at YACAP partylist Rep. Carol Jane Lopez. Binigyang diin ni Hataman ang mga pangunahing reporma na kanyang naisakatuparan at nakatakda pa lamang ipatupad. Kabilang na rito ang pagpapatupad ng “no-gun zone” sa loob mismo ng ARMM Compound sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Cotabato City bilang pagtalima sa isinusulong ni Hataman na unti-unting pag-aalis ng armas o baril sa ARMM. Tinutukan din ni Hataman ang patuloy na katiwalian sa tanggapan ng Department of Education ARMM. Ang “ ghost” na guro at paaralan, ang patuloy na pamamayagpag ng mga “financiers” na pinauutang ang mga guro sa napakataas na interes. Ayon kay governor 60% ang na-reform sa kagawaran at ang 40% ay malapit ng matapos ang paglilinis dito. Bago nagtapos ang pagtatalumpati ni Gov Hataman kanyang tinawag si Mayor Piang at kanyang sinabi na dahil sa pagkakahirang sa LGU Upi bilang Excellence Civil Service Awardee na iginawad ng Civil Service Commission dahil sa functional government ito ay tatanggap ng award na 5 milyon pisong halaga ng mga proyekto . “Maraming salamat maraming salamat mayor Furigay, maraming salamat Mayor Piang, maraming salamat Sinsuat sa inyong matuwid na pamamahala, kayo po ang aming idolo namain dito sa ARMM.” Pagtatapos ng pananalita ni Gov. Hataman. Kasamang tumanggap ng limang milyon piso na proyekto ang dalawang alkalde ng ARMM, na sina Mayor Datu Lester Sinsuat ng Datu Odin Sinsuat at Mayor Rodirick Furigay ng Lamitan, Basilan.
![]() Sari-sari Store (April 16, 2012- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual) Host/Noralyn: Sari -sari store ang tatalakayin ni Kaka Alih kaya samahan kami sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya dahil ito ang tatalakyin ng ating segment writer na si Kaka Alih. (Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO) Host/Noralyn: “Good morning Kaka Alih.” Kaka Alih: Good morning Noralyn, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid sa Pananampalatayang Islam. Ang sarisari na sa English ay variety store ay karaniwang nakikita sa mga Barangay, lalo na yaong nasa mataong mga lugar. Ang variety o sarisari store na ito ay nagtitinda ng ibat-ibang paninda, mula sa uang pangangailangan sa kusina, bahay at marami pang iba. Kong ano ang hinahanap ng kanilang customers ay siya nilang ipinagbibili. Marami na sa Pilipino ang umunlad dito, subalit marami din ang sumubok na sa loob isa, dalawang buwan ay dahan dahan nauubos ang paninda hanggang sa magsasara na, therefore bagsak ang negosyo. Nagsisilbi ito sa mga pangangailangan ng karaniwang pamilyang Pilipino. Ano mang negosyo ay kailangan ang plano, para malaman ang mga pros-and-con. Tama at mali. Sa pag-gawa ng plano ay mahalaga dahil ang sa plano ay malalaman mo ang kikitain ng iyong negosyo sa hinaharap; Malalaman mo sa plano kung anong parte ng iyong negosyo ang pwedeng pagbutihin; Pinapakita ng isang plano kung magkano ang kikitain at gagastusin ng iyong maliit na negosyo; Pagkatandaan lamang na pag gumagawa ng mga plano: Gawin itong simple, madaling gamitin at madaling abutin; Piliin ang pinakaakmang panahon para sa plano masaring itong hatiin sa lingguhan o buwanan; Gawin ang mga ito bago kinakailangan gamitin. Huwag hintayin na matapos ang isang plano bago simulan ang susunod at paikutin ang iyong mga plano; Maghanap ng impormasyon, magresearch iwasan ang manghula lang. Ang sarisari store na ito ang gumaganap na retailers o tindahang nagtitingi. At may mahahalagang papel sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa ang mga tindahang ito na nagtitingi. Ang tindahang sari-sari ay pangkaraniwang uri ng tindahang nagtitingi. Kadalasan itong makikita sa mataong lugar ng isang pamayanan. Nagsisilbi ito sa mga pangangailangan ng karaniwang pamilyang Pilipino. Ang Sari-sari Store ay kabilang sa small and medium enterprise an siyang pinagkukunan ng bansa ng kabuhayan ng mahihirap na mamamayan. Kahit saang sulok ng bansa ay makakakita ka ng maliliit an tindahan maging iyan man ay tindahan ng bagoong, suka, bawang o paminta. Walang balakid sa pagsisimula ng isang sarisari store dahil sa kahit an isandaang piso ay makapagsisimula ka ng isang negosyo. Sa hirap ng buhay ngayon, kung saan marami ang nawalan ng trabaho, mainam na malalaman natin papaano magpalago ng isang sari-sari store. Maraming salamat sa inyong pakikinig, heto po ang inyong Kaka Alih, na nagsasabing, ang taong nagsisikap ay may magandang naghihintay na kinabukasan Sukran at maraming salamat. (Gabay at Talakayang Pampamilya - EXTRO)
Magtanim Tayo Punong Kahoy ![]() (April 11, 2012- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual) Host/Noralyn: Ang pagkawasak ng ating mga kagubatan sa bansa ay sadyang nakakaalarma sa ating mga environmentalist o mga taong may pagmamalasakit sa kalikasan. Kaya ang kampanya magtanim tayo ng mga punong kahoy para sa ating kinabukasan at kaligtasan. Samahan kami sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya dahil ito ang tatalakyin ng ating segment writer na si Kaka Alih. (Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO) Host/Noralyn: “Good morning Kaka Alih.” Kaka Alih: Good morning Noralyn, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid sa Pananampalatayang Islam. Ang pagtatanim ng punongkahoy ang pinakamura at pinakamadaling paraan ng pagtulong upang mapangalagaan ang kalikasan. Ang mga kabundukan na dati ay luntian dahil hitik sa mga punong kahoy, ngayon ay unti-unti nang nakakalbo, at ngayon ay marami na ang tuluyang nakalbo. Gusto mo ng ebedindisya? Ang makikitang ebidensya ay ang labis na pagbaha tuwing umuulan bunsod ng kawalan ng punong sumisipsip sa mga tubig-ulan at pumipigil sa pagbaba nito sa kapatagan. Sabagay di natin sinasabi na walang ginagawa an gating pamahalaan. In fairness, ang ating pamahalaan ay nasa proseso ngayon ng pagpapatupad ng pangangalaga sa kalikasan. Naging mandato noong nakaraang taon ng Pangulong Aquino ang pagtatanim ng isang bilyong punongkahoy hanggang sa taong 2016. Sa ngayon, lahat ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng opisina ng DENR sa kanilang lugar ay nakikiisa sa programang ito ng pamahalaan. Ang tanong nga lamang hindi kaya ningas kugon lamang ito? Gaano ba ka-effective ang sustainability ng programang ito? May naibalita na sa rehiyon ng Ilocos,lugar ng dating pangulong Marcos at Ramos, may mahigit dalawang milyong punongkahoy na ang naitatanim sa limang libong ektarya ng kabunbukan simula ng pagpapalabas ng kautusan sa pangangalaga ng kalikasan. Kumusta na kaya ngayon, may nabuhay ba? Dahil dito sa ating di man lang yata nangangalahati ang nabubuhay sa tinatanim natin, dahil sa kakulangan ng kaalaman sa kahalagaan ng mga punong ito. “Paano kasi Kaka, pangfacebook lang ang pagtatanim”. (LAUGHING) sabi ng isang retiradong guro. Balikan natin ang Ilocos, ayon sa balita ay, bawat mamamayan sa Ilocos ay nakiisa sa pagtatanim, maging sila man ay nasa pampubliko o pampribadong sektor sa gobyerno. Nakiisa din ang mga nasa sektor ng relihiyon, mga pamantasan at kolehiyo, mga grupo ng kabataan, pangangalakal, military, sa sektor ng medisina at panggagamot at maging sa elementarya at hayskul. Minomonitor naman ng tanggapan ng DENR ang lahat ng mga magpapatayo ng minahan sa pamamagitan ng pagsiguro na lahat ng kailangang dokumento ay kumpleto at naisagawa lahat ng clearance na kailangan bago magpalabas ng permit. Sinabi ni Juan Delos Reyes, head ng DENR sa Ilocos Norte na mahigpit na binabantayan nila ngayon ang mga kumukuha ng permit para sa mga nagnanais na magpatayo ng minahan sa probinsya. Ayon sa kanya, sinisiguro muna nila ang lahat ng mandato ng DENR ay nasusunod bago sila magpalabas ng permit. “Ganyan sana ang dapat Kaka Alih, na gagawin natin dito sa ating bayan o lugar” mungkahi ni Maestro. Ayon sa ulat, sa mga pag-aaral na isinasagawa ng mga espesyalista sa University of the Philippines’ National Institute of Geological Sciences (UP-NIGS), maaari pa daw maulit sa ilang siyudad ng bansa ang nangyaring kalamidad sa Cagayan De Oro at Iligan City dala ng bagyong Sendong. Ang mga siyudad ng Laoag, Vigan, Alaminos, Cotabato City, General Santos City, Davao City at iba pa ay pwedeng mangyari ang pagbaha, at di na mangyayari, kundi nangyari na. Kaya, patuloy ang pamahalaan sa paghikayat sa pakikiisa ng mga mamamayan sa pangangalaga at pagpreserba ng kalikasan sa pamamagitan ng mga programang pangkalikasan. Magtanim ng maraming puno ito ang panawagan ng gobyerno. Ikaw Noralyn, kaya mo bang magtanim ng punong kahoy para sa susunod nating salinglahi? NORALYN: of course naman Kaka, katunayan nga minsan na akong nakiisa sa pagtatanim ng mga puno diyan sa Romagonrong falls, na kong saan watershed area ng Upi, dahil diyan natin kinukuha ngayon ang tubiog na dumadaloy sa ating mga gripo sa ngayon. ALIH: Ako din Nor, ilan beses na akong nakasama sa tree planting, dito sa highway, Romagonrong falls, at sa aming bakuran marami din akong tanim na mga puno, puno na napapakinabangan na sa ngayon, dahil namumunga ng mga prutas. Ang pakiusap lang sana natin, huwag ng sirain ng mga kababayan natin ang mga puno na kusa ng tumutubo sa ating mga kapaligiran, kong sakaling di maiiwasan ang pagputol, dahil kinakilangan, palitan natin sa pagtatanim muli ng iba pang punong kahoy. Maraming salamat sa inyong pakikinig, heto po ang inyong Kaka Alih, na nagsasabing, ang punong itinanim ay buhay ng tao ang kakambal. Sukran at maraming salamat. NORALYN: Maraming salamat Kaka Ali, Magtanim ng puno, para sa kaligtasan ng ating pamilya. (Gabay at Talakayang Pampamilya - EXTRO)
Para Umunlad ang Bayan, Namumuno at Mamamayan Mag-kaisa
![]() (April 10, 2012-Martes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual) Host/ Noralyn: “Naniniwala ba kayo na ang kaunlaran ng ating bayan ay hindi lamang nakasalalay sa balikat ng mga namumuno kundi kasama tayong nakakaraming mga mamamayan? Samahan kami ni Kaka Alih sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya. (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya) Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih, Kaka Alih: Magandang umaga din Kapatid na Noralyn, assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaating Nawa) sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim. Ang paniniwala ng iba ay ang kaunlaran ng isang bayan ay nakasalalay sa kanilang pinuno. At nakakalimutan nila na ang mamamayan na nakakarami ay hindi binibigyan ng halaga. Kaibigan magtatanong ako, ganoon ba talaga? na wala na bang role na ginagampanan ang nakakaraming mamamayan? Kong ganoon ang inyong paniniwala, salungat ito sa pag-aaral ng mga expert sa pamamahala o management. Dahil ayon sa pahayag ng isang political science professor o experto sa usaping pamamahala: “Ang mga tao o mamamayan ang itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Bawat isang mamamayan ay mahalaga sa pagbuo ng bansa. Nakasalalay sa uri ng mamamayang naninirahan dito ang lakas at kaunlaran ng isang bansa, tulad ng bansang Pilipinas.” Kaya naman bawat Local Government Unit (LGU) na PRO Development, ang palaging priority sa kanilang mga project na ipinapatupad ay ang Human Development o kaunlaran ng kanyang mamamayan ang pinakakaingatan at pinangangalagaan. “Peoples empowerment o pagbibigay ng halaga sa tungkuling ginagampanan ng mamamayan”. Paliwanag ng isang NGO. Ang halimbawa nito ang mensaheng ipinahayag ng ating kagalang-galang na Alkalde, Ramon Piang Sr. sa isang pagtitipon na live na ini -himpapawid sa DXUP FM : “Para sa kaunlaran ng bayan, kailangan ang pagkakaisa, walang nag-aaway-away at walang pangangamba sa kaligtasan ng kanilang buhay at ari-arian ang ating mamamayan”. Noralyn , anong commentary mo sa sinabi ni Mayor? Host/Norolyn: “Ako?...Agree ako sa ating alkalde, na ang kaunlaran ng bayan at produktibong mamamayan ang tunay na yaman ng bayan o bansa. Mahirap umuunlad ang isang bansa kung ang mamamayan ay walang ginagawa na makakabuti para sa bayan at sa kanyang kapuwa.” Kaka Ali: Tama ka diyan Kapatid na Noralyn, May nagtanong: “Ano ba ang dapat taglayin ng isang mamamayan upang makatulong ito sa pagbibigay-lakas at makapag-ambag sa kaunlaran ng kanyang bayan?” Heto ang sagot ni Maam, isa itong retired teacher: “Upang maging madali para sa bayan o bansa ang pagtatamo ng kaunlaran, kailangang ang makatuwang o makatulong nito’y mga mamamayan na may lakas,pagkakaisa, kakayahan o malulusog, may disiplina sa sarili at kaalaman.” Sang-ayon ako sa inyong tinuran maam, I second the motion. Pinaliwanag din ni Maam, na ganito: halimbawa daw nito ay: “Ang autoridad katulad ng ating Kapulisan at ng Sandahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines) ay hindi mangingiming ipatupad ang sinasabi ng batas, dapat pantay-pantay, ang pag-papatupad ng batas na tulad ng sinasabi nila na may piring ang katarungan, (ang ibig sabihin nito ay, hindi niya nakikita kong ikaw ay kamag-anak o kaibigan, dahil kong ikaw ay nagkasala, sori ka nalang, trabaho lang walang personalan).. “Ngunit Kaka Alih, dapat isa-alang-alang din ng mga otoridad ang karapatang pangtao o yaong tinatawag na human rights.” sagot ng isang human advocates group. Sang-ayon ako kay Maam, dapat sa pagpapatupad ng batas ay palaging isinaalang-alang ang makatao o walang nilalabas na human rights na pagpapatupad ng batas, alalahanin na maraming tribu dito sa ating bansa, magkakaiba ang kanilang mga paniniwala at iba-iba din ang kultura, kaugalian na kinagisnan at pinaniniwalaan. “Kaya naman nararapat lamang na pinag-aaralan o inaalam ng mga ahente na ito ng goberno ang kultura, kaugalian at paniniwala, para maipatupad nila ang batas na hindi nalalabag ang kultura at kaugalian ng ibang Pilipino”. Ayon kay Nancy, isang anchor ng programa sa DXUP FM. Halimbawa, dapat malaman ang kultura ng mga Kapatid na Pilipino sa kultura ng mga kapatid nilang Bangsamoro na Muslim, na minsan ay nalalabag ng mga otoridad ay itong pagsusuot ng sapatos sa loob ng Masjid o bahay ng sambahan. Ang sapatos ay hindi ipasok sa llob ng Masjeed (mosque), maging sinu ka man, kina kailangan alisin ang sapatos kong papasok ka sa Masjeed (mosque) at kong isa kang Muslim dapat nakapaghugas (ablution). Dagdagan pa natin ang halimbawa, sa disiplina: Ang mamamayan ay dapat sa sumunod sa sinasabi ng batas, dapat sumunod tayo sa patakaran, halimbawa, kong sinasabi ng batas na bawal ay dapat sundin natin, huwag ng maglalagay o magtitinda n gating paninda. Ang patakaran ay dapat kumuha muna ng business license bago magnegosyo ay kinakailangan nating sumunod. Muli tayong magtatanong sa bayan: “Ano ang maaaring kahihinatnan ng isang bayan o bansa kung ang kanyang mamamayan ay walang disiplina? Host/Noralyn: “Kaka Alih, Tiyak magulo, walang asenso, dahil, instead na pagpapaunlad ang inaasikaso ng otoridad, ang concentrate nila ay ang pagdidisiplina sa mamamayan. Kaka Alih: Correct ka diyan Noralyn. Kabayan…Naisip mo na rin ba ang magandang mangyayari kung lahat ay may disiplina?· Naisip mo na ba ang mangyayari sa bansa kong walang nagnanakaw sa kaban ng bayan? Kong walang nangungurakot na official sa pera ng bayan? Naisip mo rin ba kong ang ating mga kawani at official ng bansa, ng bayan, ay tutupad ng kanilang mga tungkulin ng tapat at dalisay, ibig sabihin ay walang corruption?· Magrereport siya sa opisina sa tamang oras at uuwi din sa oras ng uwian? Naisip mo rin ba Kapatid kung hindi na magtatapon ng basura kung saan-saan ang ating mamamayan?· Na hindi na tayo magtatapon ng basura sa ating mga kanal na patuloy na pinapaganda ng ating local na pamahalaan? May tanong akong muli sa iyo Noralyn, kung susunod ang mamamayan sa mga batas at alituntunin ng trapiko, ng patakaran ng pagtitinda sa palengke, what you will expect?· Host/Noralyn: “ I am sure kaka Ali, magiging modelo tayo, wala tayong problema, ang ating mga oficial o otoridad ay makakapagtrabaho ng maayos, na walang sagabal, kaya asahan natin na kaunlaran ang susunod na mangyayari. Kaka Alih: Tama ka Noralyn, kung iiwas siya sa mga bisyo tulad ng mga ipinagbabawal na gamot?· At higit sa lahat, kung tutupad ang bawat isa sa kanyang mga tungkulin? Kong ang bawat isa sa atin ay gagampanan ang kanyang tungkulin sa kanyang kapuwa at higit sa lahat tungkulin sa kanyang Poong Lumikha, at tuparin ang ipinag-uutos at ipagbawal ang ipinagbabawal?.Tiyak kong kalulugdan tayo ng ating Poong Lumikha. May nagsabi din na ang: “Pangunahin at pinakamahalaga sa lahat na dapat taglayin ng mga mamamayan malulusog na katawan at isipan.” Kaya naman ang Lokal na Pamahalaan ng Upi sa pamumuno ni Mayor Ramon Piang Sr. ay naglalaan ng pondo at nagpapatayo ng mga health center, at nagpagtalaga ng mga health personnel sa mga Barangay para matulungan ang mamamayan para sa kanilang kalusugan. Paliwanag din ng isang kaibigang doctor: “…na maituturing na ring kayamanan isang mamamayan ang malusog na pangangatawan, kahit mahirap siya, sapagkat taglay niya ang lakas upang gampanan ang kanyang mga tungkulin sa bayan.” Mayaman man ang isang tao ngunit kung siya’y masasakitin, mauuwi lamang sa pagpapagamot ang kanyang salapi at malabong siya’y maging produktibo.· Sinabi naman ng Kalihim ng Kalusugan na: “Ang mamamayang may malusog na pangangatawan ay malaking puhunan upang makatulong sa produksyon ng bansa”.· Siyang tunay sir, Madali at mabilis niyang magagampanan ang gawain kung siya’y malusog. Maraming proyekto ang nangangailangan ng lakas ng katawan, ang Mrs mo pare, kailangan din niya ang malusog mong katawan. (PLAY LAUGHING) Kailangan ang malusog na isipan sa paglutas ng mga suliranin ng bansa at sa pagpapasya.· Ito po ang inyong Kapatid - Kaka Ali na naghihikayat sa ating lahat “…matuto tayong sumunod sa batas upang hindi tayo magkaproblema”... Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya .. Sukran and Wassallam. Host/Noralyn: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid matuto tayong sumunod sa batas, para sa ating kaunlaran. (Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Pagpapautang
![]() (April 9, 2012-Lunes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual) Host/Nor: “ Pagpapautang o pagpapahiram ng pera o anomang bagay, ay isang magandang kaugalian nating mga Pinoy at mga Bangsamoro, subalit nitong kasalukuyang panahon, ay hindi na pagtulong sa kapuwa ang pagpapautang kundi naging negosyo na. Ang tanong eh, papaano ba ito nangyayari? papaano ba isinasagawa ang pagpapautang? Ano man ang kasagutan mo kaibigan, Samahan kami nina Kaka Ali sa ating segment Gabay at Talakayang Pamapamilya, (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya) Host/Nor: Magandang umaga Kaka Alih. Nagpapautang ka ba? Kaka Alih: Maraming salamat Nor, magandang umaga at asssallamu alaikum warhamatullahi wabartakatuh. Ang tanong ni Nor, kong nagpapautang ako? Oh no.. oh yes.. utang na loob Nor, kalimutan mo na, ako ang umuutang kasi eh.. (LAUGHING) Ok tuloy natin ang utangan este usapan…(LAUGHING) Bweno mga kapatid, our topics for today is pag-papautang. How we define pagpapautang? Ganito ko sasagutin ang tanong, Nor. Ang pagpapautang ng pera o ano mang bagay sa ating kapuwa ay isang kaugalian natin mga Pilipino maging ang mga Bangsamoro, nagpapatibay ng samahan. Ang pag-papautang ay isa itong pagtulong sa ating kapuwa na nangangailangan ng tulong, dahil sa kasalatan o kakulangan sa pera, o mga bagay na maaring naubusan siya o wala na ang isang tao, ngunit maaring magkakaroon din siyang muli. Sa unang pagtingin ay parang nanghiram ka lamang, kaibhan lang lang sa paghiram, ay ang isasauli mo din ay ang hiniram mo, samantala sa pautang naman ay ang ibabalik mo ay hindi na ang nakuha o nahiram mo kundi katulad o katumbas na lamang ng hiniram mong bagay o pera. Halimbawa nito ay nanghiram ka ng isang daang piso, pag nagkaroon ka na ay ibabalik mo din ng isang daan, at alam mo kalian ka posibleng magkaroon muli ng pera, at maibabalik mo sa kanya ang nahiram na isang daang piso. May Tanong: Bakit nanghihiram ang isang tao? Ang sagot ay, maraming dahilan, maaring dahil sa may pag-gagastusan ka na wala sa plano o wala sa budget, halimbawa ay biglang may mahohospital sa pamilya at kailangan ang malaking halagang pera, kaya kinakailangan mong manghiram sa kaibigan. Kapag nanghiram ka, ito na ngayon ang tinatawag na utang o pautang. Tanong: At bakit tinawag na pagpapautang? Ang sagot pa rin ay: Ang sistema ng pautang kong papano ang pagbabayad ay ang pag-papautang. Ang Pagpapautang ay naging bahagi na ng ating lipunan sa ngayon, ito ay naging negosyo na, nawala na ang konsepto nito na pagtulong sa kapuwa, o pagtulong sa nangangailangan. Ayon pa sa isang ekonomista, o taong may kaalaman sa takbo ng pamumuhan: “kapag matamlay ang ekonomiya at kapos sa pera ang nakararami ay namamayagpag ang negosyong pautang o patubuan.” Marami kasi ang gustong magpundar ng maliit na negosyo, naghahanap ng sideline o nagbabaka-sakali mag-abroad. Lahat ng ito ay nangangailangan ng puhunan sa lalong madaling panahon. Dahil dito ay paboritong puntahan ng mga tao ang mga lending company at mga indibidwal na nagpapautang. Legal naman ang magpautang kahit walang permit basta huwag lang napakalaki ng tubo, at huwag ding gagamitin ang katagang “lending company” sa pangalan ng negsosyo mo kung gagawin mo itong negosyo. Maliban sa konting tubo, walang ipinagkaiba ito sa pagpapautang ng pera sa isang kaibigan o kakilala na pinagkakatiwalaan mo. Subalit habang dumadami ang pinapautang mo, lumalaki ang peligro sa iyo bilang negosyante. Kung gusto mo ng legal, matatag at mas sistematikong paraan ng pagpapautang, bakit hindi mo tuklasin kaibigan ang Micro-lending Business? Hindi ko sigorado kong mayroon ba dito sa atin sa Maynila ako nakarinig, na may seminar panga sila dito. But reminder, ayon sa Lending Act of 2007, korporasyon lang ang papayagang pumasok sa negosyong lending company na may mga miyembrong hindi hihigit sa 19 na investor. Isang milyong piso naman ang minimum o pinakamaliit na puhunang pahihintulutan. Sa ganitong set-up, lubhang mas maliit ang peligro para sa mga mamumuhunan, mas produktibo ang management sa pondo, mas matatag ang kita at, higit sa lahat, mas maraming tao ang potensyal na matutulungan. Kung may sapat na pondo na kayo ng mga kasama mong mamumuhunan, pwede n’yo nang irehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang inyong lending company. Siyempre pa, kailangan din ng iba pang mga karaniwang legal na sertipikasyon gaya ng sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Mayor’s Permit, at kung may empleyado ka, Social Security System, PhilHealth, at Pag-IBIG. May nagtanong: Ano ba daw ang nalalaman ko tungkol sa pagpapautang? Napakadali magpautang. Sapagkat marami ang nagangailangan ng pera, di mo na nga kailangan ipa-malita sa buong bayan nyo na nagpapautang ka dahil mabilis kumalat ang balita.Gaano kabilis? Kasing bilis ng kidlat at kasing tulin ni superman. Magugulat ka na nga lang kasi babahain ka at baka malunod ka ng mga taong di mo kilala. Maraming kakatok sa bahay nyo kung sino sino at magugulat ka pa kasi feeling friends at close na kayo kung maka utang, at halos di mo na kilala , at magtataka ka kung paano nila nalaman na nagpapautang ka. Ganun ka dali kumalat ang balita. Hindi mo na kailangan maghanap ng mga customer na uutang sayo… E ano ang mahirap? Ahhh ang mahirap, sa dami nila ,mauubusan ka ng puhunan, at dahil excited ka pa kumita at naiisip mo na kung lahat ng sila ay mapautang mo.. ang laki ng kita mo….magiging gahaman ka ngayon (exaggerated lang po) na lahat sila ay pautangin upang mabilis ka kumita, na halos lahat ng pera mo ay ipautang muna na halos eksakto na lang ang pera mo sa pang araw araw na pangangailan… Mali ang ganito eksena, mali ang pautangin mo silang lahat. MADALI MAGPAUTANG, MAHIRAP MANINGIL. Mga giliw kong nakikinig, ito lang ang pakatandaan nyo, kahit gaano sya kaganda, kaguwapo kabango, at gaano mo sya kakilala best friend at kamag-anak mag iingat ka! Kong minsan iyan ang madalas manghiram, at madalas din di marunong magbayad. (LAUGHING) Kong minsan itopa ang mga dahilan bakit nagkakaawayt ang magkaibigan dahil sa utang, utang na di binabayaran. Piliin mabuti kung sino ang dapat pautangin. Dapat may criteria ka kung sino ang dapat pautangin, kung bagsak sa criteria mo ang tao na umuutang saiyo kahit kaibigan mo pa yan, tanggihan mo, ikaw bilang isang namumuhunan ang may kapangyarihan magpasya kung dapat o hindi dapat siya pautangin. At syempre kung hindi mo siya dapat pautangin, maghanda ng mga linya sasabihin kung bakit hindi mo sya papautangin, dapat madami ka ring dahilan na kasing dami ng puhunan mo, (LAUGHING ) ….kasi ang kalaban mo dyan ay sama ng loob, pag di mo na pautang magtatanim yan ng sama ng loob, at ikaw ang maghaharvest ng sama ng loobkong minsan kasi sila pa angmay lakas ng loob na magalit, bakit daw hindi na kayo makapaghintay. (LAUGHING) Pag-aralan mabuti kung ano ba ang criteria mo sa pag papautang, yung tipo sigurado ka makakabayad sayo kahit magka earthquake o bumaha kinabukasan…((LAUGHING)at pag di sya pasado sayo, dapat maging expert ka din sa paghingi ng sorry at di mo sila napautang. Ikaw pa ang hihingi ng sorry kung bakit di mo sila napautang, sympre, magpakumbaba ka,ang mga tao umuutang ay sensitive,kung ang umuutang ay di mo napautang at nagkataon na kamag-anak mo yan patay ka! Chismis at alitan ang mangyayari nyan(malas mo kapag pinakulam ka,hahhaha) At ito pa ang masakit Nawalan ka na ng pera, nagkasala ka pa… Sa pananaw ng Islam ang pagpapautang na may tubo o interes ay tinawag na Riba, NORALYN: Ano naman ang sinsaabi ng Islam sa Riba? KAKA ALIH: Ayon sa interbiyu k okay sinabi ni Ustadz Ali Abdulatip: “ang sinabi ng Allah, pinapayagan ng Allah ang pagbebenta o pagnenegosyo, subalit ang riba ay ipinagbabawal ng Allah, ang sinasabing riba ay may tubo o interes, halimbawa nanghiram ka ng isang daan, ibabalik mo ay may magiging one hundred fifty o kahit magkano ang tubo. Ang ganito ay malaking kasalanan, dahil ang katumbas nito ay parang nakipagzina o nakipag-niig ka kay nanay mo, ito ay mahigpit na ipinagbabawalng Allah. Kaibigan katakutan natin ang impyerno, na naglalaglab na apoy… itoang inyong Kaka Alih, Sukrtan wasssallamu alaikum Warahmnatullahi wabarakatuh.
|